Nagpatuloy ang panliligaw ni James sa kaniya. Sigurado naman na siya sa sariling mahal niya ang binata. Kaso feel na feel pa niya ang pagpabebe muna rito. Hanggang makita niya itong may kausap na babae sa labas ng bahay ng pinsan nito. Pahampas-hampas pa ang babae kay James. Agad namang nag-init ang kanyang ulo sa nakita. ‘Manunuyo tapos ngayon may kalandiang iba? Magaling! ’ ngitngit niya sa kaniyang isip. Papunta sana siya sa tindahan ni Mang Inggo, para bumili ng isaw at balut. Pero nang dahil sa nakita niya, ay nawalan na siya ng gana, at padabog na pumasok siyang muli sa tinutuluyan niya. Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kanyang kwarto, at nagngingitngit pa din. “Buwiset kang Jaime ka! Manunuyo-nuyo ka pagkatapos, makikita kitang may kalandiang iba? Ano iyon? Dalawang linggo ka pa

