HINDI mapalagay si Bella. Ayaw man niyang mag-isip ng masama ngunit hindi parin maalis sa isip niya ang imahe ng babaeng nakita niyang lumabas sa kwarto ni Dwayne kanina. "Sino yung bisita mo kanina? Parang hindi ko pa siya nakita dati," tanong niya habang inaayos ang unan nito para makaupo ng maayos sa kama. Hindi niya sigurado pero napansin niya ang biglang pag-ilap ng tingin ni Dwayne sa kanya. "H-Ha? A-Ano si W--- Winona." Si Jenny na abala sa pag-aasikaso ng niluto nitong pagkain para kay Dwyane ay napahinto sa ginagawa nito. "Sinong Winona? Diba Vivian ang pangalan noong pinsan mo na pumunta dito noong nakaraan," parang imbestigador na tanong nito. "Hindi ko siya pinsan. Si Winona ay anak ng kaibigan ni Mommy. Kababata ko siya at inaanak ni Mommy sa binyag," sagot ni Dwayne.

