SA gulat at pagtataka kung ano ang nangyayari ay hindi kaagad nakagalaw sa kinatatayuan niya si Bella. Lalo na nang mag-umpisang magtanong nang kung anu-ano ang mga reporters sa kanya ng tungkol sa mga personal na bagay sa buhay niya. "Mrs.Thomas, totoo bang dinadalaw mo ang ex boyfriend mo dito na balitang nagtangkang magpakamay dahil sa pagtataksil at pagpapakasal mo sa iba?" tanong ng isang babaeng reporter. "Ano po ang masasabi niyo sa balibalitang pinilit ka lang ni Mr. Lucas Thomas na magpakasal sa kanya para itago ang anak ng ama niya sa labas?" tanong naman ng isa pang babaeng reporter. "Sino po ba talaga ang ama ng anak mo? Si Lucas Thomas ba o ang ama nitong si Armand Thomas?" tanong naman ng isang lalaking reporter. "Totoo bang tinuhog mo ang mag-ama para sa pera?" tanong u

