DUMIRETSO sila Lucas at Bella sa library kung nasaan ang mga magulang at naghihintay sa kanila. Pagpasok ay naabutan nila na nakatayo ang Daddy niya sa may bintana ng library na animo malalim ang iniisip habang ang Mommy niya ay halata ang pagkabalisa sa inuupuan nitong three seater leather sofa sa may gilid ng library. Sa hitsura ng mga ito ay hindi malayong hulaan na alam na ng mga ito ang nangyayari kaya sumugod sa bahay nila. "Mommy, Daddy..." bati ni Lucas sa mga magulang. Lumapit ito sa ina at yumuko para humalik sa pisngi nito pagkatapos ay lumapit sa ama at yumakap bilang pagbati. Si Bella ay nagmano naman sa mag-asawa. "M-Magandang araw po," bati niya sa mga biyenan. "I'm not so sure if it's really a good day, Bella," may laman na saad ni Ellaine. "What's going on Lucas? I thou

