( Chapter 81 - Ang babala kay Kinn ng kakaibang nilalang. ) Kinn's POV Nagising ako na mag-isa na lang rito sa sofa ng salas nila Tamara. Tahimik ang buong kapaligiran. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa itaas. Mayamaya ay nakita kong pababa na ang kakaligo lang na si Tamara. Naka-dress ito at mukhang may lakad. Tumayo ako para salubungin siya. "Saan ang lakad mo?" tanong ko. Nakangiti niya akong nilapitan. "Pinagpala ka talagang tao. Seryoso ba iyan? Kagigising mo pa lang pero bakit ang guwapo mo agad?" Kahit masakit ang ulo ko dahil sa hangover ay napangiti ako sa sinabi niya. "Normal na iyan sa akin. Masanay ka na," sagot ko na lang. "Ikaw na! Anyway, wala naman talaga akong lakad. Masaya lang ako dahil kani-kanina lang ay nakatanggap na ako ng tawag kay mama. Nasa New york n

