( Chapter 79 - Ang lumalagapak na sampal kay Tamara ) Tamara's POV Nang sumapit ang hapon ay bigla akong pinatawag ni mama sa loob ng bahay namin. Medyo lasing na ako nang oras na iyon kaya nag-aalinlangan akong humarap sa kaniya. Pero nang sabihin niyang importante iyon ay pinilit kong maging maayos sa harap niya. "Bakit po, mama?" Nakaupo siya nang seryoso sa sofa. Wala akong kaalam-alam na pagagalitan pala niya ako. Nang lumapit kasi ako sa kanya ay isang malakas na sampal ang natanggap ko. Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Masakit iyon kaya medyo nabingin pa ako. Tila nawala ang lasing ko dahil sa ginawa niya. "Aray ko, mama! Bakit po ba? Anong kasalanan ko?" tanong ko agad sa kanya. "Anong pumasok sa isip mo at sinaktan mo ang mga pinsan at tita mo?" Napangisi agad ako nang ma

