( Chapter 78 - Ang misteryosong liwanag na nagpakita kay Tamara at Kinn ) Kinn's POV Nagtingin ang mga tao sa amin ni Tamara nang muli kaming bumalik sa bahay nila. Sinamahan ko sa isang lamesa si Tamara. "Inom na tayo?" aya niya sa akin kaya tumango na lang ako. Tumayo ako para kuha ng beer in a can. Pagbalik ko roon ay naroon na sina Cyd, Oliver, Scarlet at Ashley. "Hi!" bati ko sa dalawang kaibigan ni Tamara. Kapwa naman itong napatulala sa akin. "Nice to meet you, Kinn," sabi ni Scarlet. Nahihiya pa sila sa akin dahil akala nila ay ngayon lang nila ako na-meet. Hindi nila alam na ako rin si Morado kaya matagal na nila akong nakakasama. "Nakakatuwa. Sobrang guwapo mo nga pala sa malapitan," puri naman ni Ashley. "Salamat," sagot ko na lang. "Aba, baka puwedeng dito na lang din a

