03

1103 Words
I'm here infront of his company. Tulala lamang ako at hindi nagtatangkang pumasok sa loob. Napatigil ako at napabalik sa huwisyo nang tumunog ang cellphone ko. Inilabas ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Speaking of the devil. “Where the hell are you?” agad niyang tanong nang sagutin ko ang tawag, halatang mainit ang ulo. Hindi man lang ako pinagsalita. Tiningnan ko ang relo ko. “I still have fifteen minutes before my work start, sir.” sabi kong hindi inaalintanang sagutin ang tanong niya. “You'll go to work today, right?” tanong nito sa tong naninigurado. Napataas ang kilay ko sa tanong niya. Nakakapagtaka. Ano na naman ang problema ng lalaking to? It's very unusual na hanapin niya ako o tanungin kung papasok ako sa trabaho o hindi. Hindi kaya may alam na ito tungkol kay Gaia. Bigla akong kinabahan sa naisip kong iyon. “Rae?” tawag sa akin ni Gideon sa kabilang linya. Tumikhim ako bago sumagot. “Yes, sir Gideon.” I heard him sighed. “Alright, bring me coffee when you get here.” Hindi pa naman ako nakakapagsalita pero narinig ko na lang ang dial tone sa kabilang linya. Binabaan ako? Really? Talk about manners. Mabuti na lamang at hindi namana ni Gaia ang ugali ng ama niya. Napaka walang hiya! Napabuntong hininga na lamang ako at pumunta sa Coffee Shop na nasa tapat lamang ng kumpanya niya. "One Americano, please." sabi ko sa cashier. Ilang sandali lang ay naibigay na din naman ang kape na order ko. Nang matapos akong bumili ng kape ay agad din akong bumalik sa kompanya. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang 50th floor kung saan ang office ko at ng boss ko. Sumandal ako sa elevator at hinintay na huminto ito. Mag-isa lamang ako rito kaya malaya kong napagmamasdan ang ang sarili ko sa repleksyon ng salamin ng elevator. Nang tumunog na ang elevator at bumukas ay umayos na ako ng tayo at lumabas na. Naglakad ako patungo sa pintuan ng opisina ng boss ko. Kumatok muna ako ng tatlong beses at agad na pumasok kahit hindi pa siya sumasagot. Naabutan ko siyang may kung anong pinipirmahan na papeles. “Here's your coffee, Sir.” sabi ko at nilagay sa harap niya ang kape. May kinuha siyang isang pirasong papel at ibinigay iyon sa akin na agad ko namang kinuha. “Make a report about that. I need that for the presentation tomorrow.” sabi nito patukoy sa nakasulat sa kapirasong papel na ibinigay niya sa akin. “Okay, Sir.” sabi ko pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. “Is there.....” tumikhim ako. “Is there anything that you need, sir?” “What's my schedule for today?” tanong niya at sumandal sa swivel chair niya pero ang mga mata ay nakatuon pa din sa akin. “A-amh,” tumikhim ulit ako. “You have a lunch meeting with Mr. Allan Campbell. At exactly 2 pm, you have a business proposal meeting with the Spanish investors. At 4 pm you have a meeting with the Board of Directors. And lastly, a meeting with the Head Financial advisor, at 6 pm.” “Is that all?” “Yes, sir.” sagot ko at huminga ng malalim. “Okay! You may take your leave.” malamig na sabi nito. Yumuko muna ako bago tuluyang lisanin ang opisina niya. Napabuntong hininga na lamang ako ng makalabas sa opisina niya. Mabuti na lamang at hindi niya pa alam ang tungkol kay Gaia. Kasi kung mangyari yun hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Natatakot ako na kunin niya sa akin ang anak ko, na baka ilayo niya sa akin si Gaia. Hindi ko kakayanin na mawalay sa akin ang anak ko. Mawala na ang lahat ng bagay na mayroon ako wag lang ang anak ko. Winaglit ko muna sa isip ko ang mga isiping yun. Ginawa ko muna ang report na pinapagawa sa akin ni Sir. Mahirap na baka hindi ko agad ito matapos. Kailangan pa naman niya ito bukas. “Shin hindi ka pa bababa?” napatingin ako kay Kylla. Empleyado din si Kylla sa company na ito. At sa lahat ng mga empleyado dito siya lamang ang madalas kong makausap. Nag-inat muna ako bago umayos ng upo. “Anong oras na ba?” Tumawa ito. “Alas dose na! Umallis na nga si Sir Kade. Masyado ka kasing busy sa ginagawa mo.” Napatingin ako sa relo ko. Hindi nga siya nagsisinungaling, alas dose na nga. Ganon na ba ako ka busy para hindi mamalayan ang oras? “Ano? Sabay na tayong mag-lunch?” tanong nito. “Okay, sige. Aayusin ko muna ang mga gamit ko.” Tumango lamang ito. Inayos kona ang mga gamit ko. Sinave ko na rin sa laptop ko ang report na ginawa ko. Nagsave na din ako ng copy sa flash drive para kapag nagka problema hindi ko na kailangang ulitin pa. Kinuha ko na ang bag ko at tumayo na ako mula sa pagkakaupo. “Tara na.” Aya ko kay Kylla. Pinindot naman ni Kylla ang 5th floor kung nasaan ang cafeteria. Nang makarating kami sa cafeteria ay umorder muna kami ng pagkain. Ang inorder ko ay chicken adobo, rice at bottled water, ang inorder naman ni Kylla ay sinigang, rice at orange juice. “Oh, ano? Sinusungitan ka pa din ba ni sir Kade?” tanong ni Kylla habang kumakain kami. Tumawa ako bago sagutin ang tanong niya. “Hindi naman na bago iyon Kylla. Since birth na yata siyang masungit eh.” Napatawa rin ito. “Pero infairness sayo nakaya mong tagalan ang kasungitan ni sir Kade hahaha.” sabi nito. Uminom muna ako ng tubig. “Well, sanay na ako sa kanya. For almost 4 years na akong nagtatrabaho sa kanya, hindi pa ba ako masasanay?” Nagkibit balikat ito. “Sabagay.” “By the way, kamusta na pala si Gaia? Hindi na kasi ako nakakabisita sa inyo.” “Okay lang naman, ayon makulit pa rin.” sagot ko sa kanya. “Mag-aalauna na pala. Bumalik na tayo baka mapagalitan ka ni sir Kade.” sabi nito nang tingnan niya ang relong suot niya. “Hindi naman siguro. Magkaka-sunod kasi ang meeting ni sir.” sabi ko naman habang naglalakad kami patungo sa elevator. “Sigurado ka? Nakakatakot pa naman yun kung magalit.” paniniguro nito. Pinindot ko ang 50th floor bago siya sagutin. “Yes! And i think before 6 pm pa ang balik niya sa company.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD