Nang tumunog ang elevator ay lumabas na kami. Naghiwalay na kami ng direksyon na pupuntahan. Umupo na ako sa upuan ko at napahilot sa sintido.
Alam ni Kylla ang tungkol sa anak kong si Gaia. Mag-iisang buwan na din siguro simula ng malaman niya na may anak ako. Ngunit hindi niya alam kung sino ang ama nito. Hindi kasi sinasadyang makita niya kami sa Boracay noong nagbakasyon kami doon kasama si Mira. Sobrang kinabahan nga ako ng sabihin niyang nakita niya din doon si Gideon may ka meeting na business partner. Pero laking pasasalamat ko nang hindi nagkrus ang landas namin.
“Shin! Shin!”
Naalimpungatan ako ng marinig ang boses ni Kylla.
Napabangon ako mula sa pagkakadukdok ng ulo ko sa lamesa. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang masyadong pag-iisip.
“Bakit?” malamyang tanong ko rito.
“Kala ko ba mga 6 pm pa ang balik ni sir? Eh bakit nandito na siya?” mahinang tanong sa akin ni Kylla.
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. “Ha?!”
Medyo napalakas yata ang pagkakasabi ko noon. Napatingin kasi sa akin ang mga taong malapit lamang sa gawi namin. Humingi naman agad ako ng paumanhin sa mga ito.
“Seryoso ba?” gulat pa ring tanong ko. Dahan dahan naman itong tumango.
Napasapo na lamang ako sa noo ko. Aisshhh! What if nakita niya akong natutulog dito?
'Ano ba naman kasi Shin?! Bakit ba naman kasi natulog ka pa dito?'
“Akala ko nga alam mo na darating na siya, kasi nga diba ikaw ang sekretarya niya? Pero nagulat ako ng pagpunta ko rito ay tulog ka. Bago pa nga kita lapitan ay nakita ko si Sir Kade na hawak ang phone mo,”
'Hawak niya ang phone ko? Bakit naman niya hahawakan iyon?'
Hanggang sa makaalis si Kylla ay laman pa rin ng isip ko ang sinabi niya kanina. Masyado kasi akong naguguluhan sa mga pinagsasabi ni Kylla.
Si Gideon? nakita niyang hawak ang phone ko? Isang bagay na alam kong imposibleng mangyari. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kalahati sa akin ay naniniwala sa sinabi ni Kylla at kalahati din ay hindi.
Bakit? Anong dahilan?
Nagulantang ako nang tumunog ang intercom sa tabi ng table ko.
'Si sir Gideon!'
“Go to my office, right now!”
“O-okay, Sir.” sagot ko dito.
Inilagay ko muna ang phone ko sa bag ko, at pagkatapos ay tumayo na k at tumungo sa opisina ni Sir Gideon. Nang makarating ako sa harap ng opisina niya a kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob.
Lumakad ako palapit sa table niya. “Do you need anything, Sir?” tanong ko pero hindi siya nagsalita at tumitig lamang sa akin.
“Cancel the meeting with the board of directors.”
“Okay, Sir.” sagot ko rito. “Is there anything that you need, Sir?” tanong ko pa rito, ngunit hindi ako nito sinagot.
I sighed.
“If that's all, I'll take my leave now.” sabi ko at tumalikod pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay nagsalita siya.
“Raenyze Gaia Mendez....”
Napatigil ako at agad na humarap sa kanya. Sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko at halos himatayin na ako ng sabihin niya ang buong pangalan ng anak ko. Anong alam niya?
“S-s-sir?” nauutal kong sabi and i cursed myself mentally. Hindi niya dapat mahalata na kinakabahan ako.
“That's your daughter's name, right?”
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko pero mas lalo lang yata akong kinabahan.
“Yes, sir.”
I saw how his jaw clenched. Alam kong nagagalit na naman siya. May alam na kaya ito? Does he know the truth already?
“Siguraduhin mo lang na wala kang itinatago sa akin, Rae.” he said and i shivered at the way he looked at me. “Alam mo naman kung paano ako magalit, diba?”
Dahan-dahan akong tumango at dali-daling lumabas ng opisina niya. Naupo ako sa upuan ko at napasabunot sa sariling buhok.
“Hindi niya pa alam.... Hindi niya pa alam, Shin....So, calm down.... Calm down....” paulit- ulit kong sabi para pakalmahin ang sarili ko.
Hanggang sa maka-alis ako sa company ay hindi pa rin matanggal-tanggal ang kabang nararamdaman ko.
“Here, drink some water.” napatingin ako kay Mira ng abutan ako nito nang isang basong tubig. Agad ko naman itong ininom.
Pagkatapos kong umalis sa company ay dumiretso na muna ako sa condo unit ni Mira. Kapag kasi sa bahay ako dumiretso ay magtatanong ang anak ko kung anong nangyari. Ayoko namang mag alala ito.
Umupo si Mira sa couch na katapat ko at humarap sa akin ng diretso.
“Sabihin mo nga sa akin. Ano ba talaga ang nangyari? Bakit parang takot na takot ka?” pagtatanong nito.
Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago sagutin ang tanong nito.
“I— I think Gideon knew something about my daughter,”
“What?!” gulat na tanong nito. “Are you saying that they have met already?”
I slowly nooded, making her surprised.
“How did that happened?” she slowly asked.
“Masyadong mabilis ang mga pangyayari,” I sighed. “It was an accident, and I wasn't prepared for that situation.”
Ikinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa mall kahapon. Kung pano ako kinabahan sa isiping nawawala ang anak ko at kung gaano ako nangamba ng magkita si Gaia at ang ama nito.
“I don't know what to do, Mira.” humihikbing sabi ko rito. Agad naman ako nitong niyakap. “I'm having a thoughts na, what if kunin niya sa akin si Gaia?”
Umiling iling ako. “Hindi ko kaya.” my voice broked after saying that word.
“Pero wala tayong magagawa, Shin.” mahinang saad nito. “Kahit anong gawin natin, malalaman at malalaman pa rin niya ang totoo.”
“Pero ayoko. Ayokong malaman niya, kukunin niya si Gaia sa akin.” humahagulgol ako habang nakayakap siya sa akin.
“Hindi natin hahayaan yun. Kahit anong mangyari, hindi natin ibibigay si Gaia. Kung kinakailangang humingi ka ng tulong sa parents mo, gawin mo.”
“Pero ayokong umasa sa mga magulang ko, Mira.”
“Sa tingin mo ba masasabi mo pa yan kapag nasa ganoong sitwasyon kana? Shin, think about it. Wala kang laban kay Kade, masyado siyang mayaman, maimpluwensya. Ang natitira mo nalang na paraan ay ang humingi ng tulong sa parent's mo.”
“Hindi lang yun ang natitirang paraan, Mira.” Seryosong sabi ko. “Kung kina-kailangan kong— namin na magtago ulit, gagawin ko. Para sa kapakanan ni Gaia.”