05

1101 Words
“Magtago? Hindi ka na ba nagsasawang magtago? Shin buong buhay mo simula ng ipinanganak mo si Gaia ay palagi ka nalang nagtatago. Hindi pa ba sapat ang mga taong iyon para makapag-isip kung ano ba talaga ang dapat mong gawin?” “Pero Mira, wala kang alam sa mga pwedeng gawin ni Gideon sa akin— at kay Gaia!” “Pwes, ipaalam mo sa akin! Para alam ko kung ano ang maitutulong ko sayo!” sigaw nito sa akin. “Kasi Shin, hindi kita matutulungan kung wala akong alam tungkol sa inyo!” humihikbing wika nito. “Kaibigan mo ako Shin, at naiintindihan ko kung ayaw mong sabihin sa akin ang nangyari noon. Ang sa akin lang naman ay sana dumating yung panahon na pagkatiwalaan mo ako sa mga sikreto mo.” paliwanag nito. Kaibigan ko siya pero wala rin siyang alam sa nangyari 7 years ago. I keep it all by myself, wala akong ibang pinagsabihan, even on my family. Kaya siguro tama si Mira, she need to know the truth para naman kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. “Sorry, Mira.” i sighed. “I think your right... I think you deserve to know the truth about what happened years ago. Sorry kung ang tagal bago ko sabihin sayo. I was just scared, na magsumbong ka kila mommy at daddy kapag nalaman mo ang totoo— ang mga pinag gagawa niya sa akin.” “Ikaw na rin ang nagsabi, sobrang yaman at maimpluwensya si Gideon, ayoko lang din kasi ng gulo.” nakayukong sabi ko. “Sinaktan niya ko, Mira. He hurt me physically and mentally. Araw Araw niyang sinasabi sa'kin na isa lamang akong mukang perang babae.” Nakita ko ang nakaka awang tingin niya sa akin habang sinasabi ko ang mga salitang iyon. Napabuntong hininga ako bago ako nagsimulang magkwento. “It all started with Mrs. Dela Vega's Birthday. Na ginanap sa mansyon ng mga Dela Vega.” A party i never thought that will change my life. “ALL OF YOU ARE STUPID!” Napatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko na naman ang pagsigaw na iyon ng boss ko. Kay aga-aga nakasigaw na naman. Tss. Oh, well. Ano pa nga ba ang bago? Oras-oras ko yatang naririnig ang pagsigaw ng boss ko kapag nandito ako sa trabaho. Or more likely, minu-minuto. Ayos lang naman sa akin. Basta ba ay hindi ako ang nasisigawan niya. “YOU ARE ALL FIRED! GET OUT! NOW!” Wala pang isang segundo ay nakita ko ang paglabas ng tatlong lalaki sa opisina ng boss ko. Laglag ang mga balikat nilang lahat, problemadong problemado. Ang dalawang lalaki ay kaagad na dumiretso sa elevator samantalang si Genard, ang isa pang lalaki na nasisante ni Gideon ay lumapit sa akin. “Napaka-demonyo talaga ni Mr. Dela vega! Hindi man lang naawa! Mabuti at nakayanan mong tagalan ang kasamaan ng ugali niya?” Nginitian ko nalang siya at hindi na sumagot. Mabuti naman at umalis na din sya at sumakay na ng elavator. Mahirap na, baka maabutan pa siya ni sir Gideon dito. Mag dadalawang taon na din kasi ako bilang secrtary ni Mr. Kade Gideon Dela Vega. Ako nga lang daw ang nakatagal bilang sekretarya niya. Yung mga nauna sa akin ay halos isang linggo lamang ang tinagal. I am working at Dela Vega Corporation as the CEO's secretary. Madaming trabaho ang nakalaan sa akin lalo pa at ako ang kanang kamay ng CEO. Marami di kasing negosyo ang nasa ilalim ng kumpanyang ito. Mula sa mga malls, condominiums, hotels, supermarket, resorts, airlines and ect. I admit na hindi naging madali ang pagiging secretary ng isang Kade Dela Vega. He want's all the things are always perfect. Kapag hindi perpect ang trabaho mo tiyak na masisigawan ka niya either he will automatically fired you. At first it was hard but eventually, nasanay din ako. Kinuha ko ang ilang mga papeles na nakalagay sa ibabaw ng table ko. Kailangan ko kasing papirmahan ang mga ito. Pagkatapos ay kumatok ako sa pinto ng office niya. Hindi pa man sya nakakasagot ay binuksan ko na ang pinto at pumasok. Am i rude? Yes, i am! Wala na akong pakealam kung walang pahintulot niya ang pagpasok ko sa opisina niya. Well he can't fire me, wala na kasi siyang mahahanap na katulad ko. “WHAT!?” bulyaw nito ng makita ako. I put my stoic face on. Sa araw araw ba naman na naririnig ko ang sigaw niya ay matatakot pa ba ako? “Here's the papers that you need to sign, sir.” sabi ko at inilapag ang mga papeles sa harapan niya. Kinuha nya ang mga papeles at binasa ang ilang mga pahina doon. “Is there anything else that you need, sir?” tanong ko. Umiling lamang ito bilang sagot. Tumalikod na ako at alis na sana pero tinawag niya ako. “Wait.” lumingon ulit ako sa kanya at nakita ko siyang mag kinukuha mula sa drawer sa table nya. Nakita ko ang isang pulang envelope at iniabot nya sa akin. “Here.” Kinuha ko ang envelope sa kanya. “What's this, sir?” “It's an invitstion for mom's birthday tomorrow night. Mom wants you to come.” Tintigan ko ang invitation at akmang bubuksan na sana iyon nang marinig ko na naman siyang masalita. “Get out.” sabi nito kaya't wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas sa office niya at sa table ko na lang basahin ang invitation. Totoo ang sinabi ni Gideon. Isa nga iyong invitation sa birthday ni Mrs. Dela Vega at gaganapin it sa mansyon ng mga Dela Veg. And for sure, imbitado dito ang mga mayayamang kaibigan ng kanilang pamilya. KINABUKASAN, tumawag sa akin si Mrs. Dela Vega at tinanong kung naibigay daw ba sa akin ang invitation card. Sumagot naman ako ng 'oo'. Maaga pa lang ay nag ayos na ako para sa party na iyon. The party will start at 7pm at six thirty pa lang ay nandoon na ako. Nakita ko sina Mr. and Mrs. Dela Vega na may kausap na iba pang bisita. Kung hindi ko lang siguro kasundo si Mrs. Dela Vega ay malamang wala ako dito ngayon. Mabait kasi ito sa akin kaya ko siya nakasundo. Kumuha ako ng isang wine glass ang may dumaan na waiter sa harapan ko. Siguro naman ay walang ipag-uutos sa akin ang masungit kong boss. Siguro i-enjoy ko nalang itong gabing ito para hindi ako ma-bored. Lumapit ako sa table ng mga dessert at kumuha ng isang slice ng mango graham cake. “Hi, Shin!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD