Chapter 7

1725 Words
Palakad-lakad ako dito sa puwesto ko habang nag-iisip kung ano ang maaari kong gawin. Halos twenty minutes na ang nakakalipas at wala pa ring sasakyan ang dumadaan. Maggagabi na rin kaya sobra na ang kabang aking nararamdaman. Laking pagsisisi ko talaga na hindi ko tinanggap ang alok ni Karina sa akin. Napahinga ako ng malalim. Dumidilim na ang paligid at lumalamig na rin. Mali yata ang suggestion ni Karina na mag bakasyon na muna ako para lumayo sa problema. "Wow huh? Malayo sa problema? Ano ito hindi ba ito problema?" sabi ko. Ang tahimik ng paligid at mukha na akong baliw dito na kinakausap ang sarili. Napahinto naman ako at napalingon sa daanan ng may mapansing ilaw. Ilaw ba ng sasakyan iyun. Nang medyo nakakalapit na ito sa direksyon ay napatalon na lang ako sa tuwa dahil sa isa itong sasakyan. Thanks God. Kumaway kaway agad ako sa gilid ng daan para mapansin niya ako at hindi naman ako nabigo ng huminto ito. Lumapit ako sa bintana ng kaniyang kotse at kinatok ito. Dahan-dahan namang bumababa ang pintana. Napatakip naman ako ng aking bibig ng mapagtanto kung sino ang lalakeng nasa driver seat. "I—ikaw?!" gulat kong sabi. Siya naman ay napangiti sa akin. "Yeah it's me at kung hindi ako nagkakamali ikaw 'yung babaeng uhugin kahapon," nakangisi niyang sabi. Bigla namang kumulo ang aking dugo dahil sa sinabi niya. Sa lahat ng pwedeng dumaan dito, bakit siya pa? "Hey, I warned you. Don't call me like that!" sigaw ko. "Mukha yatang itinadhanang magkita tayo ngayon. What do you think?" Hindi parin nawawala ang mga ngiti niya sa labi niya na para bang nang-aasar. "Go," sambit ko at balak ko na sanang umalis ng pigilan niya ako. "Humihingi ng tulong, diba? Nasiraan ka ng sasakyan." Inginuso niya ang aking sasakyan. Ano naman sa kaniya? Nagbago na ang isip ko. Hindi na ako magpapatulong kung siya lang din naman ang tutulong. "I change my mind," tugon ko. "Really? Fine, madali lang naman akong kausap." Iniharap na niya ang tingin niya sa harap ng daan. Tama ba itong desisyon ko? Ito na nga ang kahilingan ko ngayong araw. Anong gagawin mo Fern? Baka pagkatapos niya wala ng dumaang sasakyan. "Oo nga pala. Sa pagkakaalam ko ang lugar na ito ang pinakaiiwasang daan ng mga tao sa paniniwalang may gumagalang isang hindi matahimik na kaluluwa. Sa tingin mo, aksidente bang naluko ang kotse mo o baka naman—" "Shut up!" galit kong sabi. Gusto pa akong takutin, eh. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya. Takot pa naman ako sa mga multo. "Maiiwanan na kita. Good luck na lang sa iyo," sabi niya habang natatawa. "Sandali!" pigil ko sa kaniya. "What?" Napapikt ako at tumingin sa kaniya. "Makikisabay na ako sayo." "Sakay na," sabi niya. "I'll just take my stuff," tugon ko bago pumunta sa kotse ko at kinuha ang bag na may lamang gamit ko. Titiisin ko na lang ang gabing ito na kasama siya kaysa naman ang manatili pa dito ng matagal. Nang makuha ko na ay lumingon na ako sa direksyon niya. Nakita ko naman siyang lumabas ng kaniyang kotse at lumapit sa akin. "Let me help you," sabi niya bago kunin sa akin ang bag at naunang naglakad. Nagulat naman ako sa ginawa niya. "Balak mong maiwan." Agad naman akong pumunta sa kaniyang sasakyan dahil sa sinabi niya. Pumasok na ako at amoy ko na agad ang mabagong scent ng loob. Nilagay ko na ang seatbelt sa akin. Nag-concentrate naman na siya ng pagmamaneho. Hindi ko pala alam ang pangalan niya pero hindi ko na balak pang itanong. Sa tingin ko naman ito na huling pagkikita namin. Sana huwag na kaming magkita pa. "Saan ba ang punta mo?" pagbabasag niya sa katahimikang bumabalot sa amin. "On my uncle's farm," tugon ko habang hindi tumitingin sa kaniya. Ramdam ko kasing paminsan-minsan ay tumitingin siya sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi mailang. Hindi na siya nagsalita pa kaya nanatili lang akong nakatingin sa labas. Ilang saglit pa ay sinabi kong lumiko siya sa kabilang kanto kung saan papunta ito sa Farm ni Tito. Tuluyan na akong nakahinga ng maluwag nang nakarating na rin ako sa wakas. Bumaba na ako ng sasakyan at ganoon din ang ginawa niya. Ibinigay naman niya ang bag ko sa akin. "Salamat sa paghahatid," sabi ko. "Walang anuman. Handa akong tulungan ka sa sa kahit na anumang problema," sagot niya. Ano siya Hero? Na kahit na anumang prblrma nandoon siya. Napansin ko naman nang may mga nagsilabasang mg tao sa kanilang mga tahanan. Sa tinatapakan namin ngayon ay wala pa ako sa Farm. "Ate Esmae!" Napalingon ako sa gilid ko kung saan nanggagaling boses ng isang bata. Lumapit siya sa akin at niyakap ako sa aking mga paa dahil maliit siya. Huh? Sino ang batang ito? "Maligayang pagbabalik." Napatingin naman ako sa aking harapan at sobra na lang ang ngiti ko ng muli siyang makita. "Tito Richard," naiiyak kong sabi. Matagal ng panahon na hindi ko siya nakikita at ngayon ang laki na ng pinagbago niya pero nakatutuwa na nandito na muli ako. Bumitaw naman ang bata sa pagkakayakap sa akin. "Masaya kaming lahat dito na makita kang nandito ka na muli." Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong umiyak. Masaya akong makita silang lahat at lalong lalo na siya na naging pangalawang magulang ko na rin. Napahiwalay ako sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luhang nagsisibagsakan sa aking mata. "Na miss ko po kayo," sabi ko. "Ganoon din ako. Kaya halika na sa loob at malamig na dito. Marami pa tayong dapat pagkuwentuhan," tugon niya. Pumasok na kami sa loob. Pero bago iyun ay napatingin na muna ako sa paligid at nakita ang mga bawat ngiti ng mga tao. Ang iba sa kanila ay namumukhaan ko pa pero hindi ko na alam sa iba kung bago ba sila dito o hindi. Pagkapasok namin sa loob ay dumiresto na agad kami sa dining area. Sinalubong naman ako ng yakap ni Samantha, ang nag-iisang anak ni Tito. "Finally, you came. Ang akala ng namin hindi ka na pupunta pa dito but you're here." "Mommy." Napahiwalay kami sa pakakayakap. Napatingin ako sa bata na hinihila ang damit ni Samantha. "Hindi po ba siya si ate Esmae?" tanong niya. Wait...narinig kong sinabi ng batang ito mommy kay Samantha. "Mommy?" takhang tanong ko. Napatingin siya sa akin at ngumiti. "I'm her mommy." "Seriously? Walang halong biro?" Tumango naman siya. Naupo ako at pinantayan siya. "Hi. I'm you're ate Esmae and you are..." "I'm Chloe," sabi niya at bigla na lang akong niyakap. "Mommy told me you are a good person and also a good ate to Zuri," sabi niya na ikinagulat ko. Napatingala ako kay Samantha. Napahiwalay naman na sa pagkakayakap si Chloe at lumapit sa Mommy niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "Naikuwento ko kasi si Zuri sa kaniya," sabi ni Samantha. "And I want to play with her!" masayang sabi ni Chloe habang tumatalon. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila ni Zuri. "Of course, you will gonna play with her soon," tugon ko. "Yehey!" Walang tigil ang kaniyang pagkamasiyahin. Naalala ko tuloy sa kaniya si Zuri. I hope na magising na siya at magkita silang dalawa dahil sa tingin ko ay magkakasundo talaga sila. "Kamusta ang biyahe, hija?" Napatingin ako sa taong nagsalita. Nilapitan ko naman siya at niyakap. "Ayos lang naman po," sagot ko. Siya nga pala si Tita Rebeca, ang asawa ni Tito Richard. "Ay siya halika na kayo maupo para makakain na si Esmae. Alam kong napagod iyan dahil sa biyahe," sabi ni Tito. Sumunod naman na kami at inumpisahan na namin ang kumain pero bago iyun ay nagdasal pa kami. "Kamusta si Zuri. Is her condition stable?" "Opo Tito. Ang sabi ng doctor hindi magtatagal gigising na rin siya," tugon ko. "Mabuti naman kung ganoon. Sige kumain ka lang ng kumain." Napangiti ako bilang tugon. Matapos naming kumain ay inihatid na ako ni Samantha sa magiging kuwarto. Huminto kami sa tapat ng isang pinto na pamilyar sa akin. Binuksan na niya ang pinto at pumasok kami sa loob. Sobra na lang ang aking tuwa ng makita ang loob ng kuwarto. Na miss ko ang kuwartong ito. Sa tagal ng panahon ay hindi pa rin ito nagbabago maging ang ayos. "Wala kaming tinanggal o binago man dito pero pinatili naming malinis para kung sakaling bumalik ka dito maalala mo pa rin ang mga masasayang alalang nangyari dito," paliwanag niya. Napatingala naman ako ng tingin habang pinipigilan ang mga luhang balak magsibagsakan. Napapikit ako ng mariin at napabuga ng hangin. Saan mang sulok ako tumingin ay naalala ko ang bawat masasayang alala namin. Alaalang matagal ko ng gustong kalimutan ngunit ngayon na nandito na ako ay bumalik lahat-lahat sa akin. Napatingin ako sa isang litrato na nakalagay sa side table ng kama. Kinuha ko ito at tinitigan ng maigi. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili sa paghikbi na agad kong pagtakip sa aking bibig. "Cham," humihikbi kong sambit. Ito na lang ulit ang araw na nakita ko ang litrato niya. My best friend and my first love. Ngayon na nakatingin ako sa litrato naming magkaakbay ay ang masasayang araw ang naalala ko. Ang ngiti niyang nakakaha at walang ginawa kung hindi patawanin ako. Napapunas ako ng aking mga luha gamit ang aking kamay. Ramdam ko naman ang paghagod ng kamay ni Samantha sa aking likod. "I'm sure he is happy to see you here," sabi niya. "What if nabuhay siya at kasama natin siya ngayon, ano kaya ang magiging itsura niya?" "Sa tingin ko, siya lang ang pinaka guwapong lalake sa paningin mo," sagot niya. Napatingin ako sa kaniya. "What?...Alam mo kung nandito siya ngayon, parati ka niyang pipiliting na siya lamang ang magiging guwapo sa paningin mo. Natatandaan mo ba iyun? Meron pa nga iyung time na may binanggit kang ibang pangalan ng boy sa harapan niya at sinabi mong crush mo siya. Sobra ang tawa ko nang araw na iyun. Lumapit ba naman siya sa boy at binigyan siya ng malaking halaga ng pera para umiwas lang sa iyo," natatawa niyang sabi. Naaalala ko nga ang araw na iyun. Palibhasa kasi maraming dalang pera si Cham noon. Kaysa sa magtampo ako sa kaniya noon ay napatawa na lang ako dahil sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD