Hingal na hingal akong napabangon sa aking kama at agad na napahawak sa aking dibdib. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng aking puso. Nagtataka akong tumingin sa aking paligid at napahawak na lang sa aking katawan habang iniinspek ito.
"Bu-buhay ako?" wala sa sarili kong sambit. Pero ramdam ko ang sakit na para bang totoo talaga. Panaginip lang ba ang lahat.
"Mabuti at nagising ka na." Napalingon ako sa pintuan at nakita si Karina na papalapit sa aking puwesto.
"Ano bang naisip mo at sa sahig ka natulog?" sabi niya na siyang ipinagtaka ko. "Hindi mo sinasagot ang tawag ko kaya nagmadali na akong pumarito at nadatnan kitang nakahiga sa sahig. Mabuti na lang at kasama ko si kuya na siyang bumuhat sa iyo at inihiga ka sa kama." pagpapaliwanag niya. Ngunit hindi ako sumagot at tahimik lamang.
"Mukha kang balisa. Ano bang nangyari?" tanong niya.
"Yung aksidente," sambit ko.
"Anong aksidente ang sinasabi mo?" tanong niyang muli bago umupo sa kama.
Hinawakan ko naman ang kaniyang kamay. "Karina, naaksidente ako. Maraming...maraming dugo—"
"Esmae, huminahon ka. Anong sinasabi mong naaksidente ka? Tignan mo ang iyong sarili. Walang kahit na anong nangyari sa iyo maging gasgas wala. Isang panaginip lang siguro ang nangyari. Dito ka na muna, kukuha lang ako ng tubig," sabi niya bago umalis.
Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Pero nagpapasalamat akong hindi totoo ang pangyayaring iyon. Napatingin naman ako sa aking kamay at nanginginig ito. Hanggang ngayon ay ang lakas pa rin ng t***k ng aking puso.
Bumaba ako sa kama at tumungo sa balkonahe. Napahawak ako sa railings nito at dinamdam ang simoy ng hangin. Napatingala ako sa langit na ngayon ay makulimlim. Napangiti ako at huminga ng malalim.
Mama...Papa, kahit na anong kagustuhan kong makasama kayo tsaka ko naman napagtanto sa aking sarili na hindi ko pala kayang mamatay. Iyung panaginip na iyon ang nagpa-realize sa akin. Paano na lang kung nawala ako at nagka totoo iyun? Siguro mas mahirap ang mararanasang buhay ni Zuri kung sakaling mamatay ako. At ikadudurog ng aking puso kung maiiwang mag-isa si Zuri.
"Ito oh, uminom ka muna." Napalingon ako sa aking likuran at inabot ang basong may lamang tubig kay Karina.
"Thanks," tugon ko.
"Kamusta ang iyong pakiramdam? Ayos na ba?" Tumango ako at ngumiti bilang tugon.
"Mabuti naman. Tsaka nga pala hindi na natuloy ang birthday surprise namin sa iyo." Biglang nag sink in sa aking isipan ang sinabi niya. Iyung panaginip ko, na aksidente ako dahil sa pagmamadaling makapunta sa hospital.
"Sorry, hindi ko alam kung ano nga ba ng nangyari sa akin at kung bakit hindi ako nakapunta?" sabi ko.
"Huwag kang humingi ng paumanhin. Ayos lang, ipagdiriwang pa rin naman natin ang kaarawan mo. Hindi pa natatapos ang araw na ito," paliwanag niya.
Sa tuwing inaalala ko ang mga nakaraang kaarawan ko ay ang mga ngiti nina Mama at Papa ang pumapasok sa aking isipan. Ngiting hindi ko makakalimutan ngunit parte na lamang siya ng aking mga ala-ala na kahit kailan ay hindi ko na muling makikita pa.
Ilang saglit pa ay nagyaya na si Karina para pumunta sa hospital. Siya na rin ang nag-drive ng kotse dahil pakiramdam ko ay parang mangyayari ang nasa panaginip ko kung ako ang magmamaneho. Nakarating naman kami ng ligtas sa hospital na ipinagpapasalamat ko.
Nadatnan namin sina Tita at Tito, mga magulang ni Karina na handang tumulong sa aming magkapatid.
"Nandito na pala kayo. Fern, kamusta na ang iyong pakiramdam?" tanong sa akin ni Tita.
"Ayos po ako Tita, thank you for concern," sagot ko.
"Hindi ka na iba sa amin at para na rin kitang anak at si Zia. By the way happy birthday to you. Tsaka may nagpapabigay nito sa iyo." May inabot siyang isang box na may ribbon. Mukha siyang gift but not really sure kung isa nga itong gift.
"Sino naman ang nagbigay nito, Tita?"
"Hindi sinabi ng nurse na nag abot niyan sa akin," tugon niya. Napatango na lang ako.
"Mauuna na kami ng Tito, Fern. Kayo ng bahala sa iyung kapatid."
"Opo Tita," sabi ko bago sila lumabas ng kiwarto.
"Baka naman secret admirer mo ang nagbigay niyan," nakangiti namang sambit ni Karina.
"Secret Admirer? Napaka impossible"
"Why not? Maganda ka at hindi na nakakapagtaka kung may nagbigay niyan sa iyo. Bakit hindi mo buksan?" sabi niya. Umupo ako katabi niya at binuksan ang box. Pagkabukas ko ay isang letter agad ang nakita. Kinuha ko ito at binasa.
"Happy birthday," malakas na basa ni Karina. "Teka wala mang lang pangalan kung kanino galing?" tanong niya.
"Tinignan ko naman ang laman ng box at may isa pang box na pahaba. Pag bukas ko ay isang necklace ang nakita ko.
"Wow mukhang yayamanin ang secret admirer mo, ah," panunukso ni Karina.
"Tumahimik ka nga." pagpapahinto ko sa kaniya. "Nagkamali lang siguro ang nagbigay nito at talagang hindi para sa akin ito."
"Nasisiguro kong sa iyo talaga iyan at malamang na matagal ng may gusto ang lalakeng nagbigay niyan sa iyo kaya ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para iparamdam niya ang kaniyang pagmamahal dahil alam na niyang single ka na," paliwanag niya. Kung anong iniisip ng babaeng ito. Para namang kilala nita talaga ang lalake at paano naman niyang lalake ang nagbigay nito, eh walang nakalagay na pangalan.
"Karina, hindi pa akong handang umibig muli," sabi ko. Matapos akong lokohin ni Nico au para bang takot na akong magmahal at masaktan.
"Fern, you need to move on. Hindi dahil sa sinaktan ka ni Nico matatakot ka nang magmahal at magtiwala muli. Hindi naman lahat katulad ni Nico at alam kong mayroon diyan na handang magmahal ng totoo," sabi niya.
"But still, hindi pa rin. Sa ngayon itutuon ko na muna ang pansin ko kay Zuri dahil siya ang nangangailangan ng pansin at hindi ng ibang tao."
"Sige, hindi na kita pipilitin," pagsusuko niya.
Tatayo sana ako para lumapit sa puwesto ni Zuri ngunit ay bigla na lang akong nahilo at napaupo. Napahawak ako sa aking ulo.
"Oh, ayos ka lang. Gusto mo tumawag ako ng nurse."
"No," agad kong sabi sa kaniya. "Nahilo lang ako ng konti kaya huwag kang mag-alala."
"I think you need some rest, Fern. Kulang ka lang siguro ng pahinga or maybe you need to refresh your mind." Napatingin ako sa kaniya nang tumayo siya.
"What do you mean?"
"Mamasyal ka na muna kaya sa Farm na pagmamay-ari ni Tito Richard. What do you think? Is it a great idea, right?" sabi niya na ikinailing ko. Ayaw ko...ayaw ko ng bumalik sa lugar na iyon.
"Fern, ikatutuwa ni Tito at ng mga tao doon kung pupunta ka. Siguro kung nandoon ka magiging masaya ka at baka sakaling makalimot ka sa sakit na dinadamdam mo. Kung inaalala mo si Zuri, nandito kami nina Mom at Dad para alagaan siya, hindi namin siya papabayan pangako."
Pinag-isipan ko ang sinabi niya kung pupunta ba ako o hindi. Pero tama siya marami na akong pinagdaraang masasakit na pangyayari sa akin ngayong buwan at kailangan kong ilibang muna ang aking sarili.
"Payag na ako," sabi ko na siyang ikinatuwa niya.
"Hindi ka magsisisi sa desisyon mo. So, bukas pwede ka ng mag biyahe. Inform ko na rin si Tito about sa pagpunta mo doon." Napatango ako. Lumapit naman si Karina sa kaniyang bag at kinuha ang kaniyang cellphone hanggang sa itinapat na nito sa kaniyang tainga. Malamang si Tito Richard na ang kausap niya. Si Tito Richard ay ang kapatid ng Mama ni Karina na nagmamay-ari ng. Nagtagal ng dalawang minuto ang pag-uusap kanilang pag-uusap.
"Okay na. Excited silang makita kang muli," masaya niyang sabi.
Matagal na simula nang hindi ako nakakapunta doon. Fifteen years na ang nakakalipas nang hindi ako nakakadalaw sa kanila. Ngayon nakakaramdam ako ng saya na may halong kaunting kaba.
Pagsapit ng umaga ay tumungo na ako sa aming tahanan upang mag-impake ng aking mga gamit. Sakto lamang ang kinuha kong damit dahil hindi ko rin naman alam kung magtatagal ako doon.
Pababa na ako habang dala-dala ang isang bag nang biglang mag-ring ang aking cellphone kaya dali-dali ko itong kinuha sa dala kong shoulder bag at sinagot ito.
"Hello."
"Fern, sure ka bang ayaw mong magpahatid kay Mang George?" tanong ni Karina sa kabilang linya.
"Yup. Ako na lang ang magmamaneho para sa sarili ko at ipinapangako kong mag-iingat ako. Alam mo, naguguluhan ako sa iyo. Gusto mong pumunta ako sa Farm pero para namang grabe ang pag-aalala mo," natatawa kong sabi.
"Okay, kung ayaw mo talaga hindi na ako magpupumilit pa. Mag-ingat ka at magpakasaya ka pagkarating mo. Ipangako mo sa akin na pagkabalik mo naghilom na ang mga sugat sa iyong puso at wala ng kahit na anong lungkot. Maliwanag ba?"
"Opo, maliwanag na maliwanag," tugon ko.
"Sige na, bye-bye. Enjoy!"
"Bye," huli kong sambit bago niya pinatay ang tawag.
Pagkarating ko sa parking lot ay sumakay na ako sa kotse at katamtaman lamang ang speed nitong pinatakbo ko. Huminga ako ng malalim at itinuon ang aking paningin sa daanan. Hanggang ngayon ay para bang takot pa rin akong magneho pero nakakaya ko pa rin naman. Ang kailangan ko lang ngayon ay mag-ingat sa pagmamaneho.
Halos isang oras na rin ang aking biyahe hanggang sa bigla na lamang huminto ang aking kotse.
"Anong nagyari?" Lumabas ako ng aking kotse at napahilamos na lamang ako ng aking mukha gamit ang kamay ko ng makita ang gulong ng kotse.
"No...no...bakit ngayon pa? Urgh, bakit hindi mo man lang ako pinagbigyan. Thirty minutes na lang makakarating na ako" pakikipag-usap ko sa kotse. Napahawak ako sa aking ulo habang namomoblema. What now? Anong gagawin ko? Madalang pa namang may dumadaang sasakyan dito at hindi ko rin namang pwedeng lakarin dahil medyo malayo pa siya kung lalakarin. Baka kapag nilakad ko ay diretso na akong hospital.
"My cellphone," sabi ko at dali-dali kong hinalungkat ang aking shoulder bag.
"s**t, low battery?" sambit ko sa sarili na siyang mas lalo ko pang ikinainis.
Mariin akong napapikit at impit na napasigaw dahil sa inis. Pinag sisipa ko rin ang gulong ng kotse.
"You, why did you do this to me." Dinuro-duro ko ang gulong ng kotse.
Argh...nababaliw na ako, pati gulong kinakausap ko na. Para namang sasagutin ako.
Napasandal ako sa kotse at nag-decide na lang na maghintay ng sasakyan kung merong nga talaga. Paano na lang kung hindi? Sana naman may mag dilang-anghel na pumunta dito at pasakayin ako.