Hindi ako nakagalaw sa aking pwesto habang ako ay nakatitig sa kanya. Ang lakas din ng kabog ng aking puso. Ayaw kong maniwala at umasa sa nakikita ko ngayon. Paano kung isang panaginip lamang ito? "Iwanan ko na muna kayo," sabi ng lalakeng kamukha niya sabay hawak sa balikat nito. Napatango naman sa kanya si Cham tsaka ibinaling sa akin ang kanyang tingin. Nakangiti siyang lumapit sa akin at umupo sa aking kama. Nakatingin lamang ako sa kanya. "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya na hindi ko agad nasagot. Tama na. Kung isa itong panaginip, gusto ko ng gumising. Ayaw ko nang masaktan pa. "The heck! What are you doing?" Hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako sa pag sampal sa sarili kong mukha. "Huwag mo akong pigilan! Kailangan kong gumising sa letseng panaginip na 'to." Pil

