Anong gagawin ko na ngayon? Napatingin ako sa sahig at laking gulat ko nang nakapasok na ang tubig dito sa loob. Kailangan ko na talagang umalis dito. Baka kapag nagtagal pa ako dito ay hindi na ako makaalis. Umakyat na ako para makaalis na dito sa kuweba. Nang makalabas na ako ay agad na akong tumakbo dahil sa ang lakas ng ulan. Kung hihintayin ko pang humupa ang ulan ay siguro magagabihan na ako nito. Mukha pa namang matagal pang huhupa ito. Mamuntikan pa akong madulas, mabuti na lang ay na balanse ko ang aking katawan. Tumuloy lang ako sa pagtakbo pero nanatili pa rin akong maingat dahil sa madulas ang dinadaanan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na akong nakalabas ng kuweba. Lumapit na ako sa direksyon ng kabayo na aking sinakayan kanina. Pero bago pa ako makasakay dito ay n

