"Mauuna na ako. Kailangan ko na kasing umalis," pagpapaalam ko. Tumango naman siya kaya tumayo na ako at naglakad na papunta sa pinto. Bago pa ako tuluyang makalapit sa pintuan ay tumunog ang door bell. Lumingon naman ako kay Sophia at ibinalik na muli ang tingin ko sa pintuan. Lumapit na ako sa pinto at binuksan 'to. Sa pagbukas ko ay isang babae ang nakita ko na sa tingin ko ay nasa 50 years old na. Tiningnan naman niya mulo ulo hanggang paa. Naningkit ang aking mga mata dahil parang familiar siya sa akin. Tsaka naman akong nakaramdam ng kaba nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko ngayon. "Sino ka? Nasaan si Sophia?" maawtoridad niyang tanong. Ang nasa harapan ko ngayon ay ang siyang Mommy ni Cham. "Hija, tinatanong kita," sabi niya pero hindi pa rin ako nakaimik. "Tita! Nandit

