Agad na akong umalis matapos nang pag uusap namin ni Sophia. Nahihirapan pa akong makita ang dinadaan ko dahil sa mga luha ko. Pagkalabas ko ng hospital ay agad na tumunog ang cellphone ko at pag tingin ko ay nakita ko ang pangalan ni Cham na siyang tumatawag sa akin. Kaysa sa sagutin ang tawag niya ay hinayaan ko lamang ito at hindi na sinagot. Pumara na ako ng taxi para makauwi na. Hindi ko kayang harapin o kausapin man lang ngayon si Cham matapos kong malaman ko kay Sophia ang lahat. Mahirap paniwalaan lahat ng sinabi sa akin ni Sophia pero mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. Kaya hindi ko na kailangan pang kumbinsihin ang sarili ko na hindi 'yun totoo at lahat ay gawa-gawa niya lang. Ang sakit...ang sakit-sakit lahat ng nalaman ko ngayon lalo na ng malaman kong ikakasal na siya kay

