Chapter 27

1100 Words
“ANO, BAKIT hindi ka makasagot diyan? Aminin mo nga sa akin, mangkukulam ka ba?” Muntik nang mapabulalas ng tawa si Amere sa ideyang pumasok sa utak ni Opah. “What did you say? Anong mangkukulam ang sinasabi mo diyan?” aniyang hindi mapigilan ang mapailing sa ideya ng dalaga. Yumuyugyog ang kinauupuan nilang bangkito dahil sa pigil na pagtawa niya. “Bakit? Hindi ba totoo? Anong special magic ang ginamit mo para isalba ang buong grupo? Hindi naman puwedeng superhero ka. Wala noon sa totoong buhay.” “Pero may mangkukulam, ganoon?” aniya sabay tawa. “Nakita mo naman siguro ‘yung ritwal na ginagawa kanina sa labas. Kasabay ng mga ritwal na iyan ang kuwento ng mga mangkukulam sa kasaysayan ng Pilipinas. And if these rituals still do exist, na kung saan may mga inaalay na Amiro at Mira, aba, hindi siguro kalabisang isiping totoo rin ang mga mangkukulam. Aba, Amere, umamin ka na ngayon pa lang. Mangkukulam ka, hindi ba?” Tuluyan na siyang napatawa ni Opah. “Grabe ang utak mo, Miss Rodriguez! May mangkukulam bang kasing-pogi ko? At high tech na pala ang mga manghuhula ngayon, kaya na naming mag-mental telepathy, ganoon ba?” “Exactly!” ani Opah na tila natuwa sa sinabi niya. “That’s the term! ESP! Mental telepathy! Iyan na nga ang ginawa natin kanina! Extra sensory perception iyon, hindi ba?” “It’s like having sixth sense, right? So you literally want to tell me that you have it?” “Huwag mo nga akong baligtarin, Amerito ka! Ikaw ang tinatanong ko! Paano mo nagawang mag-send ng message sa utak ko kanina?” “Wala nga akong alam, ano ba?” aniya ritong kunwari ay nakukulitan na. “You told me to trust you, didn’t you?” “I did, but--” “See that! So, totoo nga!” “I did tell you to trust me but I said it verbally, kaya mo nga narinig, hindi ba?” “Ha? You mean, hindi totoo iyon? Inakala ko lang na sa utak tayo nagkausap, ganoon?” “I understand that you might be in shock, Opah. That could explain what happened. It makes sense, right?” Hindi kumibo ang dalaga at pinili na lang nitong manahimik. Gayon man ay alam ni Amere ang itinatakbo ng isip ng dalaga. Dahil sa nangyari ay hindi na siya nag-block ng perception. Kailangan niyang matanggap lahat ng impormasyon na kailangan niyang malaman, upang makaalis sila sa situwasyong iyon, kahit pa nga personal perception buhat sa dalaga ang ma-retrieve niya. At dahil doon, alam niya ang mga iniisip ni Opah. Alam niyang matalino ito. Hindi ito naniniwala sa mga excuses niya. Buo ang paniniwala nito patungkol sa special abilities niya at hindi niya alam kung hanggang kailan niya magagawang itago rito ang tungkol sa bagay na iyon. MARAHIL dahil sa pagod ay nakatulog si Opah, habang matiyaga namang nakabantay rito si Amere. Hindi siya mapakali kaya minabuti niyang makiramdam nang maigi sa mga nagaganap sa paligid. May nase-sense siyang kakaibang nangyayari sa labas. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit tila humihina ang retrieval niya ng perceptions. Ano mayroon sa Sinugban at fluctuating ang signal ng special abilities niya? Ayaw magtuloy ng mga impormasyong kailangan niyang malaman. Ano mayroon sa Sinugban at bakit kailangang mag-alay sa Apo Ali na tinutukoy ni Ditas? Saan dinadala ng mga ito ang mga alay? At ano ang kinalaman ng dagat sa galit ng reynang tinutukoy ng mga miyembro nito na narinig nilang nag-uusap ni Opah? Nasa ganoon siyang tema ng pag-iisip nang maramdaman ang paggising ni Opah. “Lumayo ka nga sa akin! Ang init-init eh!” singhal nito sa kaniya. Hindi niya naiwasan ang mapahuni sa sinabi ng dalaga. “Topakin ka talaga, ano? Kunwari ka pang ayaw mong mapadikit sa akin eh alam ko namang type mo ‘ko!” balik niya rito para lang makaganti sa pagsusungit nito. “Tse! Hindi kita type, ano! Pulos ganyan na lang ang laman ng isip mo samantalang nanganganib na nga tayo rito!” “Bakit? Alangan namang magngangawa ako rito eh wala naman na tayong magagawa!” “Ang sabihin mo, gustong-gusto mong maging Amiro! Oo nga naman, ano? Bakit nga ba hindi gayong makakaisa ka sa Ditas na ‘yon!” Dinunggol niya ito sa pamamagitan ng likod. “Alam mo ikaw, sa halip na mag-isip ka ng paraan kung paano tayo makakatakas dito ay puro pagseselos pa ang inaatupag mo. Huwag mong pinag-iiintindi ang Ditas na iyon dahil hindi ko iyon type. Mas maganda ka sa kaniya kaya huwag ka nang mag-alala, okay.” “Hah! Nagagawa mo pang magbiro nang ganyan samantalang ni hindi mo nga alam kung ano ang plano sa atin ng mga baliw na iyon! Hindi mo ba narinig ang ginagawa nila sa Amiro pagkatapos na sumiping sa kaniyang Mira?” “Ano?” “Pinupugutan nila iyon ng ulo!” Napalingon siya nang marahas kay Opah. Kung sa ibang pagkakataon ay hahagalpak siya ng tawa sa hitsura nito. Halatang naghihintay itong reaksiyon niya dahil sinasadya nitong sindakin siya. “You’re just making stories!” paratang niya rito. “Ay sus! Narinig ko talaga iyon, promise! Hindi mo ba napansing walang lalaki dito kahit isa? Kung mayroon man ay ‘yung Apo lang siguro at saka ‘yung mga alalay niya na sinabi ni Ditas. Kasi nga, pinapatay ang lahat ng Amiro. Bye, bye, Amerito! Ingat ka sa biyaheng langit mo!” pang-iinis nito sa kaniya. Kahit paano ay alam niyang nakabawas sa takot ng dalaga ang inisan nila nito. Umayos na ang temperatura ng mga palad ng dalaga na kanina lang ay tila magyeyelo na sa lamig, nang mapadikit siya roon. Sasagot pa sanang muli si Amere nang biglang nagliwanag ang pinto ng dampa. Isang mataas na lalaking may dalang sulo ang pumasok sa pinto. Lumapit ito sa mismong inuupuan nila ni Opah. Naramdaman niya ang takot ng dalaga nang hablutin nito ang kamay niya sa likuran nito. Bilang tugon ay mahigpit naman niya iyong hinawakan. Hindi niya alam pero biglang kumabog ang dibdib niya nang mapagmasdan ang kabuuan ng lalaki nakasuot ng tila sutanang kulay puti. Si Opah naman ay yukong-yuko at tila ayaw itong tingnan. “Magandang gabi, Mira,” wika ng lalaki sa malamig at buong-buong tinig habang matiim na nakatingin sa nakayukong si Opah. Bigla ang naging pagtingala ng dalaga rito, at mabilis na napalitan ang ekspresyon nito nang matitigan ang kaharap. Tila biglang umakyat ang dugo sa ulo nito sa labis na inis. “Ikaw?!” galit na sabi nito na nagpahumindig din sa lalaking kaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD