AELIX POINT OF VIEW Pagpasok ko sa CR, agad kong binuksan ang shower. Hindi ko na hinintay pang uminit ang tubig hinayaan ko na lang ang malamig na tubig na bumuhos sa katawan ko. Napapikit ako habang nararamdaman ang lamig na unti-unting tumatagos sa balat ko. Siguro… ito ang kailangan ko. Para malinawan. Para maibsan kahit papaano ang bigat sa isip ko. Sumandal ako sa dingding, hinayaan ang tubig na dumaloy sa mukha ko. At doon Unti-unting bumalik ang mga alaala. Ang bar… Ang ingay… Ang inumin na pilit ipinainom sa akin… Napakagat ako sa labi. “f**k…” bulong ko. Naalala ko ang pakiramdam Ang init na unti-unting kumalat sa katawan ko. Ang pagkawala ng kontrol. Paglabas ko ng VIP room… At pagkatapos May isang babae. Hindi pa malinaw ang mukha niya sa isip ko. Parang

