CENDRIC POINT OF VIEW Pagkalabas ko ng kwarto ni Sir Aelix, pakiramdam ko ay mas lalong bumigat ang hangin sa paligid. Napabuntong-hininga ako habang naglalakad sa mahabang hallway ng bar. Tahimik pa ang paligid, halatang hindi pa ganap na nagsisimula ang araw sa lugar na ito. Pero sa loob ko Magulo. Paano ko hahanapin ang babaeng ‘yon… kung hindi ko man lang alam kung sino siya? Napahawak ako sa batok ko habang nag-iisip. Habang naglalakad ako, may nakita akong paparating Yung manager ng bar. Yung babaeng kasama kagabi sa VIP room. Agad akong napahinto. Siya… baka may alam siya. Lumapit ako sa kanya. “Excuse me,” tawag ko. Napalingon siya sa akin at bahagyang nagulat nang makita ako. “Yes?” sagot niya, kalmado pero mapanuri ang tingin. “Ah… ako po si Cendric. Secretary ni

