AELIX POINT OF VIEW Kagigising ko lang pero agad akong tumayo mula sa kama. Wala na akong oras para magpahinga pa kailangan kong pumasok sa kumpanya. Diretso akong pumasok sa banyo at mabilis na naligo, hinayaan ang malamig na tubig na gumising sa diwa ko. Habang naliligo, panandaliang sumagi na naman sa isip ko ang babaeng iyon. Napapikit ako nang mariin at napailing. “Focus, Aelix…” bulong ko sa sarili. Pagkatapos maligo, nagbihis ako ng formal na damit isang malinis na polo, coat, at slacks. Inayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin at sinigurong maayos ang itsura ko. Kailangan kong maging propesyonal. Pero sa loob-loob ko, magulo pa rin ang lahat. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan. Tahimik ang paligid, pero pagdating ko sa may gitna ng hagdan, narinig ko ang boses ni Lo

