DAHLIA POINT OF VIEW May naramdaman akong marahang pagyugyog sa balikat ko. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko nang unti-unti ko itong iminulat. “Dahlia… gising na, umaga na,” mahinang tawag ni Ms. Caty. Napakurap ako at bahagyang napangiwi dahil sa bigat ng katawan ko. Para bang hindi sapat ang tulog ko kahit ilang oras akong nakahiga. Dahan-dahan akong bumangon at naupo sa kama, hawak ang ulo ko dahil sa bahagyang hilo. “Halika na, mag-ayos ka na. Pupunta tayo sa hospital para malaman natin kung buntis ka,” dagdag niya, seryoso ang tono. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. “Opo…” mahina kong sagot, pero ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Tumayo ako at pumasok sa banyo. Habang naghihilamos ako,

