CHAPTER 15

1093 Words

DAHLIA POINT OF VIEW Naglalakad ako sa madilim na pasilyo ng bar habang pilit na inaalalayan ang sarili sa pader. Halos umiikot ang paningin ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay babagsak ako sa sahig. Hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko. Kasalanan ko ito. Kung hindi sana ako naging desperado na kumita ng pera para sa tuition ko, hindi sana ako pumunta sa mesa ng mga lalaking iyon. Ilang beses na akong binalaan ni Ate Caty ang manager ng bar na huwag lalapit sa mga kostumer na mukhang mapagsamantala. Pero hindi ako nakinig. Sa kagustuhan kong makadagdag sa ipon ko para sa pag-aaral, nilapitan ko pa rin sila. Akala ko simpleng pakikipagkwentuhan at pag-inom lang ang mangyayari. Pero mali ako. Pinilit nila akong uminom ng alak nang uminom. Sa una ay tumanggi pa ako, ngunit nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD