CHAPTER 16 DAHLIA POINT OF VIEW Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at napansin ko agad ang kurtinang bahagyang nakabukas. May salamin na harang doon kaya ang liwanag na pumapasok ay tumatama at nagre-reflect papunta sa akin. Napapikit ako sandali dahil sa silaw bago tuluyang dumilat. Dahan-dahan akong bumangon, pero agad akong napangiwi. Masakit ang ulo ko at may bahagyang hilo akong nararamdaman. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ito ang kwarto namin. Maluwang, maayos, at halatang mamahalin ang lugar. Ibig sabihin… Hindi ako nakauwi kagabi. Bumaba na sana ako sa kama nang mapansin ko ang makapal na kumot na nakabalot sa katawan ko. Napakunot ang noo ko. Dahan-dahan kong hinawi iyon At napasinghap a

