TOTOO ba ang lahat ng ito o bangungot lang? Kitang-kita ng aking dalawang mga mata kung paano pinilipit ni Cade ang leeg ni Aling Sita. Nang bumagsak ang mukha ng ginang sa lamesa, ay wala na itong buhay. Na-estatwa ako sa aking pagkakaupo. Tila ba tinakasan ng dugo ang aking katawan sa nasaksihan kong kalunus-lunos. Bigla akong nakaramdam ng takot sa lalaking ito. Parang biglang nag-iba ang pagtingin ko sa kanya. Sa nakikita ko ngayon, ay parang balewala lang sa kanya ang nagawa niya sa sinasabi niyang taong pinaka-importanteng tao sa buhay niya. Nakagat ko ang aking labi. Gusto kong maiyak habang nakatitig ako sa mukha ni Cade. This man, the world could rot and he would not give a damn. Mas malamig pa siya sa yelo ngayon kung iyong pagmamasdan—matalim ang kanyang mga mata, tahimik

