Hindi ko maiwasang mapaluha habang pinagmamasdan si Amang na mahimbing sa pagkakatulog. Ngayong araw ko na lang siya makikitang ganito—payapa, walang iniintinding problema, tahimik ang puso’t isipan. Katabi niya ang kanyang manok na paborito niyang ipanabong, ang puting manok na laging panalo sa sabungan, tila simbolo ng kanyang lakas at tapang. Ngunit bukas, hindi na ito ang mundong gagalawan ko. Iiwan ko na ang lahat. Sasama na ako kay Cade. Pakakasalan niya ako. Isang linggo na rin mula nang mabuo ang aming plano. Matagal ko nang iniisip kung kailan ang tamang panahon, pero tila sa isang iglap ay nabuo ang desisyong iyon—tutuloy kami. Sa loob ng isang linggo, sa halagang isang daang libo lang, kasado na ang lahat. Para bang may mahika si Cade. Na-renew niya agad ang passport ko, pina

