Maingat kong iniangat ang aking katawan mula sa kinahihigaang kama. Pagkarating mula sa ospital, hindi na ako lumihis pa ng landas—dumiretso agad ako sa aking kuwarto. Pakiramdam ko’y lutang pa rin ako. Para bang may ulap na bumalot sa buong ulirat ko, at kahit paulit-ulit ko nang naririnig sa loob ng utak ko ang sinabi ng doktor pati na ni Mama, hindi pa rin ito tuluyang nagsi-sink in. Buntis ako. Mula sa aking pagkakaupo ay dahan-dahan akong tumayo. Ang bawat paggalaw ay tila may bigat, hindi lang sa katawan kundi pati na rin sa puso. Napahawak ako sa aking tiyan—doon sa parte ng katawan ko na ngayo’y may buhay nang tumitibok. Buhay na bunga ng isang gabi… isang desisyon… isang pag-ibig. Anak niya. Paano ko sasabihin ito sa kanya? Magagalit kaya siya? O baka naman matakot siya at tu

