Chapter 30

844 Words

INIANGAT KO ANG aking cellphone na nasa aking palad dahil tumatawag si Cade Pinagmamasdan ko lang ito hanggang sa mawala ang pag-vibrate nito. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na itong ginagawa habang pinagmamasdan siya sa malayo. Hayun siya sa kalayuan, panay ang pagtipa sa kanyang telepono para kontakin ako. Isang daang missed calls na yata siya pero hindi ko magawang sagutin ang mga ito. Naririto ako ngayon sa airport kung saan kami nakatakdang magtagpo. Kanina pa ako nakatanaw sa kanya — dalawang oras na ang nakakalipas. Ni minsan ay hindi siya umalis sa kanyang puwesto sa nakalipas na iyon. Tuloy lang siya sa pagda-dial ng kanyang cellphone at paulit-ulit akong tinatawagan. Wala akong magawa kundi pagmasdan siya sa gitna ng aking pagluha. Kumilos lang ako nang ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD