11

1065 Words
MAAGANG gumising si Rafy. Balak niyang tawagan uli si Lolo Ed. Kagabi ay dalawang beses niya itong kinontak pero bigo siya. Desidido na siyang umalis doon. Magdadahilan na lamang siya para makabalik na siya sa Maynila kahit hindi pa nakakapanganak si Abby. Akmang kukunin niya ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang lolo nang makarinig ng sunud-sunod na katok sa pinto. “Ma’am Rafy, si Ma’am Abby po, sumasakit daw ang tiyan.” Halatang kabado at natataranta ang katulong na tumawag sa kanya. Mabilis niyang dinampot ang robe at tumakbo palabas ng silid. “Nasaan si Sir Timothy mo?” tanong niya rito habang naglalakad at nagsusuot ng robe. “Maaga pong umalis, Ma’am.” Inabutan niyang nakangiwi si Abby at nakahawak ang kamay sa parte ng tiyan. Si Lorraine na nasa tabi nito ay mukhang nagpa-panic din. “Abby!” Agad siyang lumapit dito. “What happened? Dinudugo ka ba?” “Rafy, humihilab,” pawis na pawis na daing nito sa kanya. Hindi maipinta ang mukha nito dahil sa sakit na nadarama. “Tulungan mo ako!” linga niya kay Lorraine at binalingan ang isa pangkatulong na nakamasid. “Sabihin n’yo kay Kadyo na ilabas ang kotse!” Inalalayan nila si Abby na tumayo. “Natatakot ako, baka mawala ang baby ko,” ninenerbiyos na sabi nito. Siya man ay natataranta dahil wala naman siya talagang alam sa ganoong sitwasyon. Anim na buwan pa lamang ang tiyan nito. “Huwag kang magsalita ng ganyan. Pupunta na tayo sa ospital,” pagpapalakas-loob niya rito. “Kadyo, pakibilisan mo. Pero mag-ingat ka rin,” utos niya sa driver matapos alalayang maisakay si Abby. NAG-PREMATURE labor si Abby, ayon sa doktor nito, at kinailangang ma-confine muna ito sa ospital para maobserbahan nang husto. Hindi naman ito magawang iwanan ni Rafy kaya kahit nakaroba lang siya ay nanatili siya sa tabi nito, habang wala pa si Timothy. Hindi nagtagal ay humahangos na dumating si Timothy. Pinatawagan na lang niya ito sa isa sa mga katulong para ibalita ritong nasa ospital ang asawa nito. “What happened?” Hinawakan nito sa kamay ang asawang natutulog pero ang mga mata ay sa kanya nakatuon. Hinapit niya ang robe at tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ng kama ni Abby. “Sabi ng doktor, premature labor daw,” tugon niya. “Pero she’s okay now. Pina-admit lang ng doktor para maobserbahan pa.” Ibinaling nito ang paningin kay Abby. Bumadha ang lungkot sa mga mata nito. Masuyo nitong hinaplos ang pisngi ng asawa. “Abby, I’m here.” “Uuwi na muna ako. Tatawagan ko na rin si Lolo Ed para balitaan,” paalam niya. Tumango ito. “Nandiyan lang sa lobby ang driver. Puntahan mo na lang,” sabi nito. Humakbang ito para ihatid siya sa pintuan. “Thanks, Rafy,” pahabol pang wika nito. “Don’t mention it,” pakli niya at tumalikod na. NANG hapon ding iyon ay dumating si Don Ed sa ospital. Halata ang pag-aalala sa mukha nito. Kung hindi pa nito nakausap ang doktor ni Abby ay hindi talaga ito mapapalagay. “Kahit tumigil pa muna nang ilang araw dito si Abby basta makasiguro lang na ligtas silang mag-ina,” sabi pa nito sa doktor. “Dahil sa heart condition niya, kailangan niya talagang mas mag-ingat. Kung uuwi siya sa bahay, I will advise lots of bed rest.” “Kung hindi naman punuan itong ospital, I won’t mind na nandito siya. Mas mainam nang abot-kamay lang ang nurse at doktor kung kailangan niya,” giit ni Don Ed. “Sa bahay na lang ako magpapahinga, Lolo,” sabad ni Abby. “Puwede naman di ba, Doc?” baling nito sa doktor. “Yes, basta sundin mo lang lahat ng bilin ko at kung magka-emergency uli, saka na lang kayo bumalik dito.” “I’ll be very careful, Doc. Siyempre, ayokong may masamang mangyari sa amin ni baby.” “Still, better to spend a night here,” sabad ni Timothy at hinawakan ang kamay nito. “We’ll spend the night here, okay. Bukas mo na lang ipilit lumabas kung talagang okay ka na.” “We’ll hire a private nurse,” deklara ni Don Ed. “Mas mapapanatag ako kung meron kang katabing nurse, aside of course na nasa tabi mo rin si Rafy at Timothy. Muntik na siyang mapasinghap nang malakas. Sa sinabing iyon ni Don Ed useless na talagang banggitin niya dito ang pagbalik niya sa Maynila. Magmumukha siyang insensitive masyado kung ipipilit niya ang pag-alis ganooong ngayon mas maselan ang lagay ni Abby. Sinabi niya sa sariling magpapalipas pa siya ng ilang linggo. Siguro naman ay bubuti na ang kondisyon ni Abby sa pagdaan ng mga araw. Hindi niya ma-imagine na tatagal pa doon hanggang sa makapanganak si Abby. Hindi siya makakilos ng kumportable dahil kay Timothy. “Lolo Ed, gusto mong dito ako magpahatid ng hapunan or diyan na lang sa cafe tayo kakain?” estima ni Timothy sa matanda nang iwan na sila ng doktor. “Dito na lang. As much as possible, gusto kong nasa tabi ako ni Abby.” “Pero sa villa ka matulog, Lolo. Hindi ka magiging kumportable dito,” sabi naman ni Abby. “How about you, Rafy? Kumusta ka na. Okay ka na ba?” “What do you mean?” “Bakit, anong nangyari?” Halos sabay na tanong nina Don Ed at Timothy. Natuon sa kanya ang tingin ng dalawang lalaki. “She’s not feeling well.” Si Abby ang sumagot. “Kahapon pa masama ang pakiramdam niya.” “Nandito na rin lang tayo sa ospital kaya dapat magpatingin ka na rin,” sabi ni Don Ed. “I’m fine now, Lolo. Wala kayong dapat ipag-alala sa akin.” “Are you sure?” kaswal na tanong naman ni Timothy. Hindi niya alam kung may ibang pakahulugan ang tanong na iyon. Anhin na lang niya irapan ito. “I’m sure. Siguro ay mauuna na lang ako umuwi para magpahinga din.” Bumaling siya kay Abby at niluwangan ang ngiti. “Naubos yata ang powers ko sa iyo kanina. Hindi mo lang nahalata pero nagpa-panic na din ako dahil sa iyo.” “Thanks for everything, Rafy,” wika ni Abby. “Naku, ang drama naman. Baka magkaiyakan pa tayo dito,” kunwa ay OA na sagot niya. “Mauuna na akong umuwi. Doon na lang ako maghahapunan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD