Jenny's POV. "Jenny nakikinig ka ba sa akin?" Tila nagising ang diwa ko ng marinig ang boses ni Hazel na nasa aking harapan. "May sinasabi ka ba?" "Ano ba iyan? Kanina pa ako nagkukuwento dito hindi mo naman pala ako nadidinig. Nakakaloka ka," dismayado niyang sabi. "Pasensiya ka na may iniisip lang ako." "Care to share? Care bear. Kanina ko pa pansin na wala ka sa sarili mo. May nangyari ba?" Mapanuri niyang tanong sa akin. Napalingon naman ako sa kaniya at dahan-dahan na tumango. "Sige na, ikuwento mo na," sabik niyang usal at lumapit pa sa akin. "Sinabi ko na kasi kay Chadler na gusto kong magtrabaho sa Maynila," panimula ko. "Oh anong sabi? Pumayag ba? Makakaalis na ba tayo dito sa Bulacan? Kailan ang alis natin?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin. "Teka nga, isa-isa lang a

