Adrian's POV. "Samantha! Paki-cancel lahat ng meetings ko for today. Emergency lang, pakisabi na lang sa kanila. Thank you!" Sigaw ko sa aking sekretarya. "Noted sir!" Niligpit ko na ang mga gamit ko. Dadalawin ko na muna si love. Matagal na simula noong huling dalaw ko sa kaniya. "Wait sir! Sino nga po pala ang ihire natin si Ms. Jennifer po ba o si Mr. Carangan?" Habol na tanong sa akin ni Samantha. Hindi ko pa nababasa ang resume ng dalawa kaya naman hindi ko pa alam ang isasagot ko. "Ganito na lang ang gawin mo, tawagan mo sila parehas at papuntahin dito sa company para sa interview. I need to go na. Ikaw na muna ang bahala dito. Kapag hinanap ako nila mom sabihin mo na may dinalaw ako," bilin ko sa kaniya. "Sige po sir, makakarating po. Ingat po kayo!" Pagkalabas ko ng kumpany

