Adrian's POV.
I just arrived here in the Philippines two weeks ago. I'm here again to finish my studies and to make things get alright.
Nakatitig ako sa litrato namin ni Ley. Kuha ito three years ago noong nagkakilala kaming dalawa. Ngiting ngiti kaming parehas habang nakaakbay ako sa kanya. Mga panahong masaya kaming dalawa. Ngumiti ako ng mapait at tinago sa cabinet ang litrato namin.
Noong naghiwalay kami ay nagtungo ako sa ibang bansa nang sa ganoon ay maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko at makalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya, pero bigo ako. Kahit anong pilit ng paglimot ang gawin ko ay bumabalik pa rin siya sa isipan ko.
Isang taon na ang nakalipas simula noong naghiwalay kaming dalawa, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Gusto kong sabihin sa kaniya ang dahilan, pero mas pinili ko na lang itong ilihim sa kanya dahil ayaw ko na dagdagan pa ang sakit na pinagdaraanan niya.
Alam kong lalo ko lang siyang masasaktan. Ayoko ng dagdagan pa ang galit niya sa akin.
Masakit para sa akin ang ginawa ko. Masakit iwanan ang taong itinuring kong mundo. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat. Kung may pagkakataon lang sana.
Kung maaari lang makabalik sa nakaraan. Sa unang araw na nasilayan ko ang kanyang maamong mukha.
Sa unang beses na pinatibok niya ang puso ko na para bang wala ng bukas. Kung puwede lang sana maglakbay muli sa nakalipas ay matagal ko na sanang ginawa.
Maaga akong gumising ngayon dahil gusto ko muna sanang daanan ang bahay nila Ley bago ako pumasok sa school. Kahit masilayan ko lang siya mula sa malayo ay kuntento na ako.
Inayos ko na ang mga gamit ko at nagtungo na ako sa kotse ko. Nagmaneho na ako patungo sa kanila. Kakakuha ko lang ng driver license noong nakaraang linggo.
Nagpabili na ako ng sariling kotse para ako na lang mag-isa ang pupunta ng school.
Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko ay tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag bago ko ito sagutin. Nang makita kong si Arthur ang tumatawag ay sinagot ko ito at saka ko ni-loud speaker.
Arthur is my childhood bestfriend. Magkadikit na ang bituka namin simula pa noong kami ay isinilang. Magkaibigan kasi ang aming mga magulang. At dahil doon ay nagkalapit kami, magkapatid na ang turingan namin dahil sa tagal ng aming pinagsamahan.
["Pre!"] bungad niyang sabi.
"Oh bakit? Nagdadrive ako," sagot ko.
["Kanina pa ako kinukulit ni Nathalie, tinatanong kung nasaan ka na. Hindi mo daw kasi sinasagot mga tawag niya sa iyo. Nasaan ka na ba? Ako tuloy pinag-iinitan nitong babae na ito!"] Bulalas niya sa akin. Baka tumatawag siya habang busy ako sa pagtitig sa litrato namin ni Ley.
"On the way na ko. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya mamaya." Hindi ko na siya hinayaang makasagot at binabaan ko na siya ng tawag.
Nang makaparada ako ay nakita ko sa labas ng mansion nila Ley ang kaibigan nito. Bumaba na ako ng kotse para sana kamustahin siya at sakto namang paglingon niya ay nakita niya ako.
"Ikaw pala iyan Adrian. Long time no see ahh. Saan ka ba nanggaling? Tara samahan mo ako sa loob," anyaya sa akin ni Zelia.
Nagdadalawang isip naman ako kung sasama ba ako sa kanya. Ngayon lang ulit ako makakapasok sa bahay nila matapos ang nangyari sa amin.
Matutuwa kaya siya kapag nakita niya akong muli? O kamumuhian niya ako? Bahala na nga.
Ayos na siguro ang magalit siya sa akin dahil deserve ko naman iyon. Nang sa ganoon ay makalimutan na niya ang pagmamahal na nilaan niya sa akin.
"Kamusta ka na ba? Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang driver at ang kotse mo?" Tanong ko sa kaniya.
"I'm doing good. Nagpahatid lang ako sa driver ko at pinaalis ko na agad dahil sasabay ako kay Heiley sa pagpasok." Tumango na lang ako at sumunod na sa kanya papasok sa bahay ni Ley.
Inilibot ko ang aking paningin at pinagmasdan maiigi ang bawat nadadaanan ko. Tumingin ako sa kuwarto niya at napansin kong nakapatay pa ang ilaw dito. Tulog pa siguro.
Naupo ako sa sofa nila at nag-antay. Habang si Zelia naman ay may tinatawagan. Maya-maya lang ay may nadinig akong malakas na sigaw. Nakababa na pala si Ley.
Napahinto siya sa pakikipag-away sa kaibigan niya nang mapansin niya ako.
Lungkot.
Iyon ang unang reaksyon na nakita ko pero mabilis itong napalitan ng inis na nababasa ko sa mga mata niya.
Bakit Ley? Sa tuwing nakikita mo ba ako ay nasasaktan ka? Mas makabubuti kaya kung hindi mo na ako masilayan pang muli? Dapat pala ay hindi na muna ako nagpakita sa kaniya.
Napailing na lamang ako sa mga naiisip ko. Matagal ng tapos ang lahat. Huwag kang assuming Vash.
"Good morning Ley!" Bati ko sa kaniya.
"Nakita ko kasi kaibigan mo. Inaya niya ako kaya hindi na ako tumanggi," dagdag ko pa, pero inirapan niya lang ako at hindi man lang ako binati. Tss. Moody pa rin hanggang ngayon.
Maya-maya ay nakita kong dumadating si Nanay Emelita. Mukhang wala ata ang driver niya. Eto namang si Zelia ay pinauna na ang driver niya.
"Nariyan ka pala Adrian, naku lalo kang pumogi. Ang tagal mong hindi napadaan dito ah," bati sa akin ni Nanay Emelita.
"Oo nga po manang eh. Nakakamiss po na pumunta dito," nakangiting sambit ko.
Sa totoo lang ay noong unang beses kong pumunta dito ay para akong parte na ng pamilya kaso nagbago ang ihip ng hangin. Nakaka miss talaga na pumunta dito.
"Welcome na welcome ka dito. Punta ka lang kapag libre ang araw mo," nakangiting sabi ni manang.
Kung puwede nga lang ay araw-araw na akong pumunta dito dahil libre naman ako at walang ginagawa, pero alam kong bawal. May masasaktan lang.
Nginitian ko na lamang siya sa kaniyang mga sinabi.
"Ahh... ehh... sige na po. Salamat Nanay. Gawin niyo na po ang mga gawain niyo," pagtataboy ni Heiley sa kaniya na siya namang ikina-ngiti ko. Ewan ko ba. Nababaliw na ata ako.
"Paano na yan Sis? Hindi ko dala ang mamahaling kotse ko. Saan tayo sasakay ngayon?" maarteng tanong ni Zelia.
"Don't worry girls. You can ride with me. Sabay-sabay na tayong pumasok," alok ko sa kanila, tutal dala ko naman ang kotse ko at walang maghahatid sa kanila. Bakit hindi na lang kami magsabay-sabay sa pagpasok di ba?
"No!" "Sure!" Natawa ako noong sabay silang magsalita. Pinanlakihan ng mata ni Kirsten si Ley at kalaunan ay pumayag na ito.
"Ok fine!" Sagot ni Heiley na iki-nahinga ko ng maluwag.
"Great!" Tumalikod na ako na may ngiti sa labi at nauna na ako sa kanilang pumasok sa kotse. Maya-maya lang ay nakita ko na silang paparating kaya naman binuksan ko na ang pinto para sa kanila.
Ilang minuto ng nakalipas pero hindi parin pumapasok sa loob si Ley. Nakatitig lang siya sa kotse ko. Kanina padin siya tinatawag ni Kirsten na pumasok na pero parang hindi siya naririnig nito.
"Ley tatayo ka na lang ba diyan? Tara na at malelate na tayo." Mukhang narinig naman niya ako dahil nilingon niya ako at nginitian bago sumakay.
Pinaandar ko na ang kotse at umalis na. Kanina ko pa tinititigan si Ley mula sa salamin habang kausap niya ang kanyang kaibigan. Halatang halata na inis na inis na siya. Ang ganda niya parin kahit naiinis siya.
"Hoy Adrian alam kong maganda ang kaibigan ko pero pwede ba ituon mo yang paningin mo sa kalsada baka maaksidente pa tayo riyan sa ginagawa mo eh . My goshhh nakakaloka."
Nagulat ako at napaiwas ng tingin. s**t!
"I can't resist the beauty of your friend Zelia. I can't quit staring," pag-amin ko, nakita ko naman na namumula na sa hiya si Ley. Napangiti na lang ako ng palihim.
"Tumigil ka nga riyan Ian baka masapak kita ng wala sa oras. I can't resist resist ka pang nalalaman diyan iniwan mo rin naman. Huwag nga kayong maglandian sa harap ko. Bobo ka! Nakakaimbyerna!" Maarteng sabi ni Zelia.
"f*****g s**t! Puwede ba manahimik kayo! Tumigil ka na Zelia baka hindi na ko makatiis masabunutan na kita," galit na sabi ni Ley.
"Tss. Bitter," bulong ko pero sinadya kong iparinig sa kaibigan niya.
Pagdating namin sa school ay dumiretso na kami sa room. Hinarang siya nung mga kaibigan niya. Narinig ko na pinag uusapan nila ang bagong lipat naming classmate. Tiningnan ko ang gawi nung lalaki. Pamilyar siya sa akin.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko. Nagtext pala si Nathalie.
From: Nathalie
Adriee sunduin mo ko mamayang break time. Sabay tayong kumain. To: Nathalie
Ok.
Maikling reply ko. Tinago ko na ang phone ko ng dumating na si Ma'am Fuentabella. Pinaliwanag niya kung paano nalipat dito ang bago naming kaklase. Maya maya ay tinawag niya na ito sa harap para magpakilala.
"Good morning Ma'am and classmates, It's a pleasure to be part of your class I hope maging magkaibigan tayong lahat don't worry hindi ako nangangain kaya wag kayong matakot na lumapit sakin," nakatitig lang ako sa kanya. At nagulat ako ng makita kong kinindatan niya si Ley. Kusang kumunot ang noo ko.
"I'm Christian Zerrudo, and I was born for you." Gago pala itong isang ito eh. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo ito.
"Hi Ms.?" Dinig kong tanong niya.
"Heiley. Heiley Jane."
"Nice to meet you Jane."
Sinuntok ko ang aking upuan at napatingin naman silang lahat sa akin. Nilingon ko ang kinaroroonan ng dalawa at kinunotan ng noo.
"Mr. Hale is there any problem?" tanong ni Ma'am.
"Nothing. May malaki kasing lamok na dumapo sa upuan ko kaso 'di ko nahuli. Just don't mind me," sagot ko bago muli lumingon sa kanila.
~Break time~
Pinuntahan ko na si Nathalie sa room niya at inayang kumain. Kinalimutan ko na muna ang nangyari kanina.
"Adriee are you ok?" tanong niya.
"Yes. Let's go."
Papasok na kami sa loob ng canteen ng mapansin kong nakatingin sa amin ang grupo ni Ley. Pumila naman kami para bumili ng pagkain. Nakita kong papalabas na si Ley pero hindi niya kasama mga kaibigan niya. Nagmamadali siyang maglakad bakit kaya?
"Heiley? Heiley right?" Nagulat ako ng tinatawag ni Nathalie si Ley.
Ngumiti naman si Ley bago sumagot. " Yes ako nga. Heiley Jane Erivans. You are?"
"Oh great! I'm Nathalie Kyle De Castro. Nice to meet you." Sabay lahad ng kamay niya na tinitigan lang ni Ley.
"Nakuwento ka na kasi sakin ni Adriee kaya kita kilala. You're his ex girlfriend right." What the hell. Kailangan niya pa ba talaga iyon sabihin!?
"Yes, ako nga. May sasabihin ka pa ba? I need to go na kasi." Tinitigan ko lang siya at sinusuri pero hindi ko mabasa ang nararamdaman niya.
"Wala na. Sige may pupuntahan ka pa ata. See you around Heiley. Tara na Adriee." Tumalikod na kami at umalis.
Nakabalik na ako sa room pero wala pa doon si Ley. Napatingin ako sa upuan ng katabi niya at wala din ito. Nagulat na lang ako nang dumating ang hinihintay ko. Bakit sila magkasamang dalawa?
Ilang sandali pa ay dumating na si Mrs. Santos. May groupings kami na gagawin na ipeperform sa Tuesday. Ako ang gaganap na Orpheus. Natuwa naman ako ng si Ley ang gaganap na Eurydice.
Noong una ay ayaw pa niya dahil malamang ako ang kapartner niya. Pero kalaunan ay pumayag na siya. Napagdesisyonan namin na sa bahay ko nalang mag practice dahil bawal naman sa kanila pumayag naman sila.
Maagang pinauwi ang lahat kaya naman mamimili kami ngayon ng gagamitin namin para bukas. Nauunang maglakad yung Christian na kanina pang dikit ng dikit kay Ley. Nawala ang atensyon ko sa kanila ng bigla akong hilahin ni Nathalie.
"Adriee sabay na tayo umuwi."
"Hindi pwede mamimili kami ng gagamitin namin bukas may groupings kasi kami," tanggi ko kay Nathalie.
"Ahh ganun ba? Sige mauna na akong umuwi. Pero bago iyon goodbye kiss ko muna." Tinuro niya ang kanyang pisngi. Wala naman akong nagawa kung di ang halikan siya. At mas lalong ikinagulat ko ng halikan niya ako sa labi.
Tinulak ko siya upang kumalas sa paghalik niya.
"Mauna na kami sa inyo may pupuntahan lang kami!" Napalingon ako sa sigaw ni Christian habang tumatakbo kasama si Ley. Saan naman kaya sila pupunta?
Shit nakita niya kaya? Arrrggghhh Adrian ang tanga mo!
Nakauwi na ako galing sa pamimili namin kanina. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan dinala ni Christian si Ley at kung bakit hindi sila sumama sa amin.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag online sa f*******:.
Nicole created this group.
Nicole added you from the group.
Nicole added Christian Zerrudo from the group.
Nicole added Heiley Jane Erivans from the group.
Nicole added Kirsten Zelia Leviste.
Nathalie:
Good evening guys tuloy po tayo bukas ahh hintayan po natin ay 9:00 - 10:00. Pakidala po ang pinamili .
Kirsten:
Okii keribels naman.
Christian:
Yown may gc na. Liit sunduin kita bukas ahh.
Nagtaka ko kung sinong liit ang susunduin nitong si Christian.
Heiley:
Manahimik ka nga yabang. Ikaw bahala.
Christian:
Yown salamat liit.
Kirsten:
What's the meaning of this. Liit at Yabang? Endearment niyo ba yan? Hoi Heiley may hindi ka sinasabi sa akin.
Nainis ako bigla sa nabasa ko. Liit at Yabang . Psh. Ang panget ng tawagan nila. Binato ko kung saan ang cellphone ko sa sobrang inis.
"Arrrrrggggghhh!!!" Napasabunot nalang ako sa sarili ko.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at nag alarm. Maaga akong matutulog ngayon para bukas hindi pwedeng magsama na naman si Christian at si Ley. Tinignan ko muna ang larawan ni Ley bago ako dalawin ng antok.
Ley susunduin kita bukas.