Heiley's POV.
Maaga akong nagising ngayon dahil susunduin daw ako ni Yabang ngayon. Ginabi na kami ng uwi kahapon, buti nga wala si Dad eh kung di malalagot na naman ako. Kung ano-ano na naman ang sasabihin nun.
Ang sarap ng pagkakahimbing ko kagabi para bang wala akong iniindang problema. Ang sarap sarap sa pakiramdam.
Napangiti na lang ako nang maalala ko ang mga nangyari kahapon. Ang saya. Sana maulit pang muli iyon.
Bumangon na ako at inihanda na ang aking sarili. Nag-aayos ako ng gamit ko ng may marinig akong katok sa aking pintuan.
"Heiley hija, gising ka na ba?" Si Nanay Emelita lang pala.
"Opo. Inaayos ko lang po mga gamit ko. Bababa na rin po ako mamaya," sagot ko sa kaniya.
"Oh siya sige, may nag-aantay nga pala sa iyo sa baba, Christian daw ang ngalan. Kanina pa siya nag-aantay. Ayaw ka lang niya ipagising at baka daw masapak mo siya. Bilisan mo na riyan at bumaba ka na," sambit ni manang. Gumuhit ang ngiti sa aking labi sa mga sinabi ni Nanay Emelita.
Napatingin ako sa orasan. Alas syete y medya pa lang ng umaga, ang aga naman ng yabang na ito. Alas nuwebe pa naman punta namin sa bahay ni Adrian. Excited ata ang loko.
"Tapos na po ako mag-ayos. Tara po Nay, baba na po tayo," aya ko sa kanya. Inalalayan ko si manang sa pagbaba dahil madulas ang hagdan at baka kung mapaano pa siya.
Kita ko mula dito sa aking kinaroroonan ang likod ni Yabang. Tinitingnan niya mga pictures ko na naka-display sa ding-ding. Nakita ko pa siyang kumukuha ng litrato sa ilan sa mga ito.
"Ganda ko nohhh!" Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Hindi naman, mas maganda pa sa iyo yung nakilala ko sa kalye." Aba't nakuha pang mang-asar.
"Tse. Bakit nga pala ang aga mo? Mamaya pa naman ang punta natin doon ahh," tanong ko sa kaniya.
"Miss na kita eh. At dahil diyan pakainin mo ako! Hindi pa ako nag-aalmusal," natatawang sabi niya. Binatukan ko siya sa sinabi niya.
Hay naku makikikain lang pala 'tong Yabang na 'to ang aga-aga pa pumunta.
"Nay Emelita, pahanda naman po ng pagkain namin! Salamat po!" Sigaw ko kay Nanay na nasa loob ng kusina.
Napatingin naman ako sa pintuan namin ng pumasok si Kuya David. May kasalanan pa ito sa akin sa hindi niya paghatid sa akin kahapon .
"Hoy manong David! Bakit ngayon ka lang!?" pukaw ko sa atensyon niya. Napatingin naman siya sa akin at ngumisi.
"Oh Ma'am kayo pala iyan. Isang araw lang akong nawala miss mo na ko. Hehehehe. Pasensya naman ma'am, sinama ako ng mommy mo eh. Hindi na ako nakapag-paalam sa iyo," aniya sabay kamot ng kaniyang ulo. Huminto siya saglit at tumingin kay yabang at saka tumingin sa akin at ngumisi ng nakakaloko.
"Aba ma'am sino yung lalakeng yun? Nawala lang ako ng isang araw may lalake ka na agad. Ibang klase ka talaga Ma'am. Paturo naman oh," bulong niya sa akin.
"Manahimik ka nga riyan manong David. Classmate ko lang yan. Tss!" Singhal ko sa kaniya.
"Hahahaha paano na si I--" Sinamaan ko siya ng tingin. Napatigil naman siya agad. Buti naman at nakuha niya ang gusto kong iparating.
"Siya nga pala Christian. Si David nga pala. Driver ko." Pagpapakilala ko sa kanya.
"David Caldwell nga pala," pagpapakilala niya.
"Christian Zerrudo po," sambit niya sabay ngiti ng matamis
"Nariyan ka na pala David. Halina kayo at magsabay-sabay na kayo kumain ng almusal," bungad ni Nanay Emelita sa amin.
Pumunta na kami ni Christian sa kusina para kumain kasama si David. Medyo nakakailang dahil first time ko lang siya makasalo. Pero naging komportable din naman ako nung nagtagal.
"Ang sarap naman nitong Sinigang. This is one of my favorite dishes. Puwede ba akong umulit dito? Ang sarap talaga," matakaw na turan ni yabang.
Hindi naman halata na nasasarapan siya. Subo lang naman siya ng subo muntik, na ngang mabilaukan eh.
"Sige lang iho, kain lang ng kain. Pero hinay-hinay lang madami pa naman," natutuwang sambit ni nanay.
"Huwag mo naman ipahalata na patay gutom ka. Para kang baboy kung lumamon," pang-iinis ko sa kanya.
Uminom siya ng tubig bago magsalita. "Ang sarap kasi talaga. Salamat po Manang. Buti pa si manang nang-aalok. Hindi gaya ng isa riyan! Damot mo liit," pagpaparinig niya sa akin.
Wow ahh ako pa talaga madamot. Madamot na pala ako sa lagay na ito.
"Tse. Kumain ka na nga lang riyan. Dami mo pang sinasabi. Agawan kita riyan eh," sabi ko na lang.
Inilayo niya naman ang pinggan niya sa akin at parang takot na batang aagawan ng candy. Napangiti ako ng lihim dahil sa inaasta niya.
Napatitig naman ako sa kanya habang kumakain. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapangiti nang maalala ko ang mga nangyari kahapon.
~Flashback~
Nandito kami ngayon sa isang mataas na lugar. Mula dito ay kitang kita ko ang school namin at ang kabuuan nito. Napagmamasdan ko rin ang mga naglalakihang puno na hitik na hitik sa bunga. Kay ganda ng tanawin.
Mapapansin din ang luntiang kakahuyan malapit sa aming kinaroroonan. Ang sarap maging isa sa kalikasan. Ang mga huni ng ibon ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.
It is in the still of voiceless of nature where one will find true paradise. Little did I know that the only way to lessen my feelings is to see the calmness of the nature.
As I felt the coldness of the breeze that brings a lighter feeling to me .With the birds flying high above the blue sky enjoying their freedom. I sighed in relief. I think I'm fine now. Thanks to the man beside me.
"Where are we?" I asked.
"Here in the place where you can bring out the real you," he said while eating santan that he picked up earlier. He gave me one and I also try it.
I glanced at him in a few moments and smiled at him. After few minutes, I let go my feelings ang I shouted.
"I want people around me to appreciate me! I want to be as free as the birds flying high. I want to get rid of the pain and fixed my broken heart!." I scream in despair and hoping that the galaxy would hear my anguish. I wiped my tears and I forced myself to smile even if its still hurts.
"Are you ok now? " he asked.
"I guess I am fine now. Thank you 'coz you bring me here," I said while crying with joy.
"You're welcome." He smiled.
We stayed their for few hours. Sinulit ko ang oras na iyon dahil minsan lang ako makakita ng ganitong tanawin.
"I think we need to go na. Remember may groupings tayo bukas. Bibili pa tayo ng gagamitin nating dalawa. Ipipili mo pa ako ng costume," aya niya sa akin sabay pameywang.
"Umamin ka nga sa akin. Are you gay?" Pagbibiro ko sa kaniya at tumayo na.
"Of course not. Halikan kita diyan eh para magkaalaman tayo," nakangisi niyang sambit. Napaurong naman ako sa sinabi niya.
"Ok na naniniwala na ako. Mamanyakin mo pa ako. Tara na nga." Tinalikuran ko na siya at nauna ng umalis.
~Mall~
Nandito na kami sa mall. Nag ikot-ikot na kami at naghanap ng mga gagamitin namin. Mabilis naman kaming nakabili ng props at costume namin. Buti na lang at hindi mahirap kasama ang isang ito at handa siyang samahan ako sa pag-iikot.
"Psst... Liit nagugutom ako. Tara kain tayo." Hinila niya ako sa ice cream store. Oh my gosh! Ice cream! Nagliwanag ang mga mata ko dahil kakain kami ng ice cream. This is great!
Nagtungo kami sa cashier para umorder. I'm so excited. Actually isa ang ice cream sa stress reliever ko. Kailangan ko ito ngayon lalo na at broken na naman ako.
"Anong flavor sa iyo?" Tanong niya sa akin
"Chocolate and cookies and cream sa akin," excited kong sabi. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi.
"Ok then, Ms. One order of mocha flavor and Chocolate Cookies and cream. Pakidamihan ahh," usal niya.
Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko pero pinigilan niya ako.
"Huwag ka ng magbayad. Libre ko na baka maghirap ka pa," pabirong sabi niya.
Inabot niya ang kanyang pera sa babae na nagpapacute pa. Akala mo naman cute siya, hindi naman.
"Sige na nga libre pala eh. Hindi ako tatanggi diyan," sambit ko sabay angkla ko sa kaniyang braso na gusto naman niya dahil napangiti ito.
Humanap kami ng mauupuan at nagsimula ng kumain. Nakuwento niya sa akin na madalas siyang tumambay dito dahil hilig niya daw mag ice cream. Napatawa na lang ako.
"Isip bata," pang-aasar ko sa kanya.
"Guwapo naman," sambit niya at hinawi ang kaniyang buhok. Napatawa na lang ako ng mahina sa ginawa niya.
Kailan kaya siya mauubusan ng kayabangan sa katawan?
Nang matapos kaming kumain ay napagpasyahan namin na umuwi na. Naalala kong wala nga pala akong driver. Makisabay na lang kaya ako dito kay Yabang.
"Oi yabang." Kinalabit ko siya. Nahihiya naman akong tumingin sa kanya.
"Puwede bang ihatid mo ako? Hehehe gwapo ka naman eh. Sige na, wala kasi yung driver ko eh," pambobola ko sa kaniya. Ngumisi naman siya sa akin. Ano kaya iniisip nitong yabang na 'to?
"Sige, pero may isa akong kondisyon," sagot niya. Dami namang alam nito.
"Ano naman?" Tanong ko sa kaniya.
"Kiss muna," nakakalokong sambit niya.
Hinampas ko siya at kinurot. p*****t. Hindi ko siya tinigilang hampasin hangga't hindi siya pumapayag.
"Teka! Tama na! Aray! Aisshhhhh! Sige na! Sige na! Ihahatid na kita. Hindi ka naman mabiro," hingal niyang sambit sabay gulo ng aking buhok.
"Sapak you want?" Hinarap ko sa kaniya ang palad ko.
"Hahaha cute mo. Tara na ihahatid na kita." Hinila niya ako at umalis na sa mall.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa bahay namin. Tinignan ko ang garahe kung naroon na ang kotse ni Dad pero hindi ko nakita. Buti na lang. Inaya ko siyang pumasok sa loob pero tumanggi siya. Baka daw gabihin siya ng uwi.
"Are you sure ayaw mong pumasok?" Tanong kong muli sa kaniya.
"Okay na ako, bukas na lang ulit ahh. Susunduin kita bukas, bawal tumanggi."
Napaisip naman ako sa alok niya. Naging mabait naman siya sa akin ngayon kaya pagbigyan ko na siguro siya.
"Ok sige," tugon ko.
"Sige pasok ka na. Good night liit. Sweet dreams," paalam niya sa akin.
"Ingat ka sa pagmamaneho. Thank you nga pala ulit." Ngumiti ako bago tumalikod sa kanya.
Hinintay niya muna akong makapasok sa loob ng bahay bago umalis. Dali-dali naman akong umakyat sa kwarto at sumilip sa bintana. Nakita ko ang sasakyan niyang umalis na.
"Ingat ka yabang." Bulong ko sa hangin.
Nagbihis na ako at tinabi ang mga pinamili ko. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng makakain at dinala ko ito sa kwarto.
Tapos na akong kumain. Isang oras na rin akong nakatitig sa glow in the dark stickers ko na hugis bituin sa kisame ko. Hindi ako makatulog. Kinuha ko ang cellphone ko at nag log in na lang sa f*******: ko.
Notification:
Christian Zerrudo sent you a friend request.
I click the confirm button. Maya-maya lang ay nakatanggap ako ng message mula sa kanya.
Christian:
Bakit gising pa?
Heiley:
Can't sleep.
Christian:
Why? Miss mo ko.
Sineen ko lang ang message niya. Nakita ko naman na may gc na ang group namin. Nakita kong nagchat doon si Yabang at sinabi pa talaga na susunduin ako.
Heiley:
Tumahimik ka nga yabang. Ikaw bahala.
Christian:
Yown. Salamat liit
Hindi ko na nakita ang mga sumunod na chats nila dahil nag message ulit sakin sa yabang.
Christian:
Tulog ka na liit. Masama magpuyat. Sleep tight. See you tomorrow.
Napangiti ako sa message niya. Nagtype ako ng irereply ko sa kanya bago tuluyang nakatulog.
Heiley:
Ok. See you.
~End of Flashback~
Nakatapos na kami kumain ni Yabang. Inayos na ni Nanay Emelita ang mga pinagkainan namin.
"Thank you sa breakfast liit. Nabusog ako," sambit niya at hinimas himas pa niya ang kaniyang tiyan.
"Matakaw ka pala," turan ko.
"Hindi ahh napadami lang ako ng kain. Saka paborito ko ang sinigang. Yummy," pagtanggi niya.
"Ano ba ang pinagkaiba noon? Umamin ka na lang kasi na matakaw ka," pang-iinis ko sa kaniya habang nililigpit ang aming pinagkainan.
Nag-asaran pa kaming dalawa at hindi natapos ang aming kulitan. Nang biglang dumating si Kuya David ay napahinto kami.
Napatingin ako sa gawi niya at nakita ko na may nakakalokong ngiti siya. Ano naman kayang problema nito?.
"Oh Kuya David, bakit ganyan ka makangiti," tanong ko sa kaniya.
"Meron ka pang isang bisita ma'am Jane. Pinapasok ko na, naroon siya sa may sala. Magugulat ka ma'am. Goodluck!" Nakangisi niyang sabi.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Christian bago pumunta sa sala.
"May inaasahan ka pa bang bisita bukod sa akin?" Tanong niya sa akin habang naglalakad.
"Wala naman," maikling tugon ko.
Nakikita ko na ang likod ng isang lalaki. Hindi ako puwedeng magkamali. Likod pa lang niya ay nakilala ko na siya. Bakit siya nandito?
"Vash?" banggit ko sa pangalan ng taong labis kong inaasam.
When you least expect it, the universe will always find a way to surprise you in unexpected time.