"Vash?" tawag ko sa kaniya.
Lumingon siya sa akin at napatingin siya kay Christian at ibinalik niyang muli ang tingin sa akin. Kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Para siyang naiinis na galit na ewan. Ang hirap ipaliwanag. Hindi ko mabasa ang emosyon niya.
"Tol papunta na sana kami sa inyo eh. Bakit ka nandito?" tanong ni Yabang.
"Hatid ko na kayo. Sumabay na kayo sa akin," walang emosyon na sambit niya.
"Vash hindi na lang. Sasabay kasi ako kay Christian. Mauna ka na," pagtanggi ko sa alok niya.
Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil kita ko ang pagpipigil niya ng inis.
"No. I insist. Sa akin na kayo sumabay," mariin niyang sabi.
"Ang kulit mo naman pala tol eh. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Jane? Sa akin siya sasabay," naiinis na usal ni Christian. Oh no wag kayong mag-aaway please.
Bakit naman kasi pumunta pa dito si Adrian? Akala ko ba hindi na niya ako mahal, pero heto siya ginugulo ako at pinipilit kaming pasabayin sa kanya. Ang gulo mo Adrian.
"Teka teka subukan niyo lang mag-away. Uupakan ko talaga kayo. Para wala ng gulo. Wala akong sasabayan sa inyo," sabi ko sa kanila at alam kong hindi sila sang-ayon sa sinabi ko.
"What!" Sabay nilang bulalas. Tsk kalma guys ako lang 'to.
"Ikaw Adrian, umuwi ka na sa inyo dahil baka naroon na ang iba pa nating mga ka grupo. Ano na lang ang sasabihin nila kung wala ka roon," utos ko sa kaniya.
"Ikaw naman yabang mauna ka na, hindi na ako sasabay sa iyo. Nandiyan naman ang driver ko. Magpapahatid na lang ako," baling ko kay Yabang.
"Pero di ba sabi mo sasabayan mo ako?" Pangungulit niya sa akin.
"No buts YABANG! Sige na huwag ka ng makulit!" Singhal ko.
Nakakastress kayong dalawa. Ang sarap nilang pag-untugin.
"Ok then, see you later Ley," paalam ni Vash at nagtungo na sa kanyang kotse.
Tiningnan ko naman ng masama si Yabang. Ayaw pa rin kasing umalis ng loko.
"See you later Ley," panggagaya niya kay Vash. Natawa naman ako sa kanya. Parang bakla talaga.
"Sigurado ka ba diyan liit? Hindi ka na sasabay sa akin?" sabi niya pa sabay pout. Tss bading.
"Oo kaya tsupi na, alis!" Pagtataboy ko sa kanya.
Nang makaalis na silang dalawa ay umakyat na ako sa kuwarto at kinuha na ang mga gamit na dadalhin ko. Dali-dali akong bumaba dahil baka malate ako.
"Kuya David! Pakihanda ang sasakyan. Ihahatid mo ako!" Sigaw ko sa kaniya habang bumababa sa hagdan.
"Bakit Ma'am?" Biglang sulpot niya.
"Ay kabayo!"
"Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat!?"
"Sorry naman Ma'am. Saka hindi bagay na sabihan mo ng kabayo ang isang David Cadwell. Ang gwapo ko para maging isang kabayo lang. Kawawa ang mga chicks ko niyan."
"Kung meron.. eh wala ka naman nun. Tara na nga ihatid mo na ako kila Adrian," utos ko sa kaniya.
"Eh diba Ma'am nariyan siya kanina saka yung Christian ba yun. Akala ko susunduin ka nila," pagtataka niya.
"Pinaalis ko na. Mag-aaway eh kapag may sinamahan akong isa sa kanila. Kaya nga magpapahatid ako sa iyo 'di ba. Manahimik ka na nga lang diyan. Dami mong satsat." Nauna na ako sa kanyang maglakad patungo sa garahe.
Nakasalubong ko si Mom sa labas bitbit ang mga pinamili niyang groceries.
"Hi Mom. Alis muna po ako ahh may group activity lang. Uuwi po ako agad," paalam ko.
"Ok iha sige. Take care. David paki ingatan ang anak ko." Humalik muna siya sa aking pisngi bago tuluyang pumasok ng bahay.
"Noted Madam," sambit niya sabay saludo. Muntimang lang.
Pumasok na ako sa loob ng kotse at sumunod na rin si Kuya David. Habang nasa biyahe ay may na receive akong message sa aking sss. Tinignan ko kung sino iyon. Si Yabang lang pala.
Christian:
Nandito na kaming lahat. Ikaw na lang hinihintay. Sabi ko naman kasi sa iyo sumabay ka na sa akin eh.
Heiley:
Tse. Malapit na ako. Pakisabi sa kanila.
Christian:
Ingat liit.
What's with that heart emoji. Sineen ko na lang siya. Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa bahay ni Vash.
"Ma'am nandito na tayo."
"I know. Hindi ako bulag," pagsusungit ko sa kaniya.
"Sungit mo naman. Susunduin ba kita mamaya?" Tanong nito.
"Text na lang kita. Sige na papasok na ako." Bumaba na ako ng kotse at naglakad papasok sa bahay ni Ian.
Pagkapasok ko sa bahay nila ay sumalubong sa akin si Manang Olivia. Madalas ako sa bahay nila noon kaya hindi na iba ang turing nila sa akin.
"Naku Ma'am Heiley. Long time no see po. Buti naman po ay napadalaw kayo," nakangiti na sabi niya.
"Oo nga po Manang eh. Sa totoo po niyan eh may usapan po kami ng mga ka-group ko na dito kami magpapraktis ng presentation namin para sa Tuesday. Nasaan na po sila?" Nilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng bahay at hinagilap sila.
"Nasa may garden po sila. Kanina ka pa ata hinihintay. Sige po Ma'am, mauna na po ako sa inyo at madami pa po akong gawain," pagpapa-alam nito at yumuko ito sa akin bago tuluyang umalis.
"Salamat po."
Nagtungo na ako sa garden. Nakita ko silang nagsisimula ng gumawa ng mga props.
"Hi guys. Sorry I'm late," bati ko sa kanila.
"Oh nariyan ka na pala liit. Tara tulungan mo ako dito." Sinalubong ako ni yabang at pina-upo sa kaniyang tabi.
Nang maka-upou ako ay umakbay siya sa akin. Akbayan ba naman ako ng loko sa harap nila. Tsk. Kahit kailan talaga tong Yabang na ito. Papansin.
"Wag nga kayong PDA. Kadiri. Pahiram muna saglit ng kaibigan ko," sambit ni Zelia at hinila na ako palayo sa kanila.
"Bitter ka lang Zelia," pang-aasar ng loko.
Ano bang sasabihin nito at ayaw niyang may makarinig sa amin?
"Hoy babae. Umamin ka nga sa akin may namamagitan na ba sa inyo nung Christian na yun?" Pang-iintriga niya. Nasisiraan na ata ito ng ulo. Kung ano-ano na ang sinasabi.
"Ano bang sinasabi mo? Saka walang namamagitan sa amin noh. Duhh." Tinignan ko siya ng masama.
"Huwag mo akong iniirapan baka gusto mong dukutin ko yang mga mata mo," mataray niyang sabi.
"Sige nga. Hindi mo naman kaya," hamon ko sa kaniya. Puro salita lang naman siya kasi magaling. Hindi naman ginagawa.
"Seryoso ako Heile," pagbabanta niya.
"Ako rin naman ahh seryoso ako," usal ko.
"Umayos ka nga. Ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit kayo nawalang dalawa kahapon. Bakit hindi kayo sumama sa amin. Saan kayo nagpunta. Ano bang nangyari. Bilis sagot."
"Teka isa isa lang. Mahina kalaban." Sinagot ko lahat ng katanungan niya.
Ikinuwento ko sa kanya ang lahat simula noong nakita ako ni Yabang sa Cr at hinila pabalik ng room. Kung paano naging liit at yabang ang tawagan namin. Kung bakit hindi kami nakasama sa kanila at kung saan kaming dalawa nagpunta. Mukha naman naintindihan niya lahat ng sinabi ko. Buti naman, ang hirap kaya magkuwento.
"OMG for real?" Hindi niya makapaniwalang sabi. Tumango naman ako sa kanya bilang tugon.
"Eh bakit ngayon mo lang sinabi sa akin. Alam mo feeling ko may gusto sayo si Christian. Feeling ko lang naman. Feelingera ako eh."
"Hindi din. Mabait lang siya kaya ganun. Saka kaibigan lang turing niya sa akin. Nothing more. Nothing less," turan ko at hinawi ang buhok na nakaharang sa aking mukha.
"Ok sabi mo eh." Hinila na niya ako at bumalik na kami sa kinaroroonan nila.
Sinalubong agad ako ni Christian at inalalayan sa pag-upo. Hinila niya ang upuan sa tabi niya at doon ako pina-upo.
"Hoy kayo ahh. Parang may something sa inyong dalawa," nang-iintrigang sabi ni Nicole.
Nakangisi lamang si Yabang sa kanila at parang wala lang sa kanya ang sinabi ni Nicole.
"Anong something!? Aissshhh mukha kang nagkakagustuhan na sila eh." Isa pa itong si Zelia. Ginatungan pa ang sinabi ni Nicole.
"Walang something sa amin. Tigilan niyo nga kami," depensa ko.
"Anong wala liit? Umamin na tayo sa kanila. Huwag ka ng mahiya." Pumunta sa aking likuran si Yabang at niyakap ako sa aking leeg.
Shutangina mars. Kinuha ko ang dalawang kamay niya at pinilipit ito.
"Sino nagpahintulot sa iyo na puwede mo akong yakapin. Ang manyak mo talaga." Hindi ko pa rin siya binitawan at pinagpatuloy ko ang pagpilipit sa kanyang mga braso.
"A-aray. Hoy masakit na ahh. T-teka... Hindi ka naman mabiro. Bitawan mo na ko." Binitawan ko na siya pero bago siya umalis sa harapan ko ay binigyan ko muna siya ng isang malakas na suntok.
"Aruy. Ang sakit noon," inda ni Zelia.
"Ayan kasi. Nakahanap ka tuloy ng katapat mo," natatawang sabi ni Nicole.
Seryoso naman ang mukha ni Ian, pero halata na pinipigilan niya lang ang matawa.
Napangiwi naman ako ng maramdaman ko na sumakit ang kamao ko. Masyado atang napalakas ang suntok ko sa kanya.
Tinignan ko naman si Yabang na hawak na ngayon ang ilong niya. Napangisi na lang ako sa kanya.
Nang ibinaba niya ang kamay niya ay may halo na itong dugo. Tinakasan ako ng dugo sa mukha.
Dugo. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong tumutulo na ang dugo sa ilong niya.
"OMG! Christian dumudugo ilong mo." Inabutan ni Nicole ng tissue si Yabang.
Dugo. Tila nanlamig naman ang kamay ko sa nakita kong dugo. Napaupo ako dahil nanghihina na ang mga tuhod ko.
"Ayos lang ako. Teka Jane. Ayos ka lang ba? Namumutla ka." Lalapitan na sana ako ni Yabang pero itinulak siya ni Ian.
Binigyan niya ako ng tubig na agad ko namang ininom. Hinimas niya ang aking likod at hinawakan ang aking kamay.
Ang t***k ng puso ko ay sobrang lakas na. Nagulat man ako sa ginawa ni Ian pero inaamin ko na natutuwa ako. Ang malambot niyang kamay, na miss ko itong hawakan.
Hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak sa akin. Napatingin ako sa kanya at laking gulat ko nang ngitian niya ako. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil sa kahihiyan. Binuhat niya ako at dinala sa isang upuan.
"Tama na yan. Jusme matagal na kayong wala, tapos kung magharutan kayo eh parang nagkabalikan na." Hinila ni Zelia si Ian at siya ang pumalit dito.
"Ako na ang bahala dito sa kaibigan ko."
Nakita ko naman na sinamahan nila si Christian sa banyo. Tumigil narin ang pagdurugo ng ilong niya.
"Ikaw naman kasi girl. Ano bang pumasok sa utak mo at sinuntok mo yung tao?" Hindi ako umimik at nanatili na lang akong tahimik.
Matapos ang pangyayaring iyon ay ginawa na namin lahat ng props na kailangan. Natapos din naman namin agad dahil kaunti lang naman. Sinukat naman namin ang mga binili naming mga costume. Buti ay sumakto lahat. Ang problema na lang namin ay kung paano idedeliver ng maayos ang aming mga role.
Lumabas ako sa banyo para ipakita sa kanila ang costume na suot ko. Sa tingin ko naman ay bagay ito sa akin.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila. Gaya ko ay nakabihis din sila at masasabi kong perpekto ang nakikita ko.
"Wow. Ang ganda mo talaga sis," puri sa akin ng kaibigan ko.
"Grabe. Para kang isang diwata. Hindi, mali. Diyosa ka, isang napakagandang diyosa," kumikinang ang mata na sambit ni Nicole. Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.
Ang dalawang lalaki naman ay nakatitig lang sa akin at pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Napayuko naman ako dahil nahihiya na ako.
Masasabi kong walang kupas pa rin ang kagwapuhan ni Ian. Lalo siyang gumwapo sa nagdaang taon. Si Christian naman ay hindi maipagkakaila na may itsura din. Hindi nalalayo sa kakisigan ni Ian.
Teka. Bakit ko ba sila pinagkukumpara? Napailing-iling na lang ako sa mga naiisip ko.
"Ang ganda mo liit." Nagulat ako ng sinabi iyon ni Christian. Nahihiya parin ako sa ginawa ko sa kanya kanina.
"Salamat. Ahmm... Sorry nga pala sa nagawa ko kanina. Ikaw naman kasi eh," paghingi ko ng paumanhin.
"Ayos lang. Hindi ko naman ikina panget. Hina mo ngang sumuntok eh," natatawa niyang usal.
Mahina pa ba 'yon. Nagdugo nga ang ilong niya eh. Napatawa na lang ako ng mahina.
Nagkabati na kami ni Yabang. Nagbihis narin kami ng aming mga damit at bumalik sa aming gawain. Busy sila sa paggawa ng props habang ako naman ay binabasa ang Biography ni Alice Low at kung bakit niya isinulat ang Orpheus.
Alice Low
A writer of more than 25 children's books, she was born in 1926 in New York City. In 1947, she graduated from Smith College. While raising her own three children, Low published her first works for children, and continued to combine writing with jobs making instructional film strips, teaching creative writing, and editing and editorial consulting. She worked at the Metropolitan Museum as well.
Low also published nonfiction, adapted myths and legends, and selected works for anthologies, perhaps best known for her humorous fiction for young children - including the famous The Witch Who Was Afraid of Witches, which she has since turned into a musical.
Low lives in Briarcliff Manor, New York, where she enjoys singing and playing tennis.
In writing Orpheus, the intent of Alice Low is to impart to the readers the lesson of love and the importance of acceptance at the same time. The moral lesson from the story of Orpheus is that trust, both in the gods and in love, is necessary. Other lessons are to pay attention and to let your head rule your heart.
Nagsimula na kaming magsulat ng script. Para hindi na kami mahirapan pa. Lahat kami ay tulong tulong sa paggawa kaya hindi na kami nahirapan pa.
"Hey bat ka tahimik diyan?" tanong sa akin ni Yabang.
"Wala naman, may iniisip lang ako. Tapusin mo na 'yang ginagawa mo," utos ko sa kaniya.
Iniisip ko na kung may pagkakataon pa kayang mabuo ang tiwala ko sa taong sumira nito. Magaya kaya ako kay Eurydice na naglaho kasabay ng paglingon ng taong mahal niya.