Episode 8

2054 Words
Handa na kami para sa gagawing performance sa darating na Martes. Kaya napagpasyahan namin na sa Lunes na lamang mag practice at kabisaduhin na lang sa aming mga bahay ang ginawa naming script. Nandito na ako ngayon sa sala ng aming bahay at abala sa pagkakabisado. Maiksi lang naman ang sasabihin ko kaya keribels lang. Ilang sandali pa ay tinamad na ako kaya itinigil ko na. Tamad talaga ako kaya umakyat na ako sa aking kwarto. Nagbukas na lamang ako ng f*******: at nagulat ako ng makita kong ang daming messages sa akin ni Yabang. Tsk ang kulit talaga ng isang ito. Christian: Hi liit. Christian: Oi liit!! Christian: Tinatamad ako magkabisado. Usap tayo. Christian: Nagkakabisado ka ba? Christian: Alam mo ba nakapatay ako ng ipis kanina. Balak ko sanang ilagay sa box tapos ipadala sa 'yo. Christian: Pero hindi ko ginawa kasi mabait ako. Saka naisip ko na baka atakihin ka pa sa puso. HAHAHA. Christian: Online ka na dali. Chat tayo. Christian: Seen mo naman :Christian: Oii liit may sasabihin ako sayo. Kanina pa niya ito sinend. Ilan lamang iyan sa mga message niya sa akin. Yung iba naman ay puro walang kwenta. Sira ulo talaga tong Yabang na ito. Padalhan daw ba ako ng ipis. Masasapak ko talaga itong isang ito kapag nagkita kami. Ang kulit kulit. Heiley: Ano ba sasabihin mo yabang? Lakas ng trip mo. Wala ka na naman magawa. Christian: Yown online na siya. May ginagawa ka ba ngayon? Heiley: Wala naman, nakahiga na lang sa kwarto ko bakit? Christian: Punta ka sa bintana mo dali. Utusan ba naman ako. Pero ewan ko kusa na lang akong dinala ng aking mga paa patungo sa bintana. Sumilip ako sa baba at may nakita akong kotse na nakaparada sa harap ng bahay namin. Parang pamilyar na sa akin ang sasakyang iyon. Maya maya ay may nakita akong pigura ng lalaki na lumabas mula sa loob. Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. Kumakaway na siya sa akin ngayon. Anong ginagawa niya dito!? Sumenyas ako sa kanya na bababa ako at huwag siyang aalis. Dali-dali akong bumaba ng mabangga ako ni Kuya David. Paharang harang naman kasi 'to sa daan. "Oh! Ma'am saan punta mo? May humahabol ba sayo? Bakit nagmamadali ka?" tanong niya sa akin. "Sa labas lang ako. May tukmol kasi sa labas, papaalisin ko lang," sagot ko. "Gusto mo Ma'am ako na ang magpaalis," alok niya. "No. Ako na, kaya ko na ito. Bumalik ka na sa ginagawa mo." Iniwan ko na siya at dali-dali akong lumabas ng bahay. Nakita ko siyang nakasandal sa kaniyang Porsche na sasakyan at nginisian niya ako ng mahagip niya ako ng tanaw. Damn this guy. Kapag naabutan siya ni Dad lagot ako. "Hoy yabang anong ginagawa mo dito?" Inis kong sabi sa kanya. "Hindi mo ba namiss kagwapuhan ko?" Turan niya sabay hawi ng kaniyang buhok. "Kung kagwapuhan mo lang ang pag-uusapan natin, puwede ka ng makaalis," naiinis kong sabi sa kaniya. Yabang pa, sige. Napatawa siya ng malakas "Hindi mo man lang ba ako namiss? Ako kasi na miss kita. Ayieeee kikiligin na 'yan," nakangiti niyang sabi at sinundot sundot niya ako sa aking tagiliran. Hinampas ko siya ng malakas at sinamaan ng tingin. "Ano ba kasing kailangan mo sa akin? Bakit ka ba kasi nandito?" Tanong kong muli sa kaniya. "Hindi ba wala kang ginagawa? Tara pasyal tayo," aya niya sa akin. "Saan mo naman ako dadalhin?" Hindi ko pinahalata sa kanya ang excitement ko na malaman kung saan kami pupunta. Last time kasi na dinala niya ako sa isang lugar ay napaka ganda at nagustuhan ko iyon. "Tara sumama ka na lang. Huwag na maraming tanong," sagot niya. Mabilis akong pumasok ng bahay para magbihis. Naka pajamas lang kasi ako at maluwag na t-shirt. Pumili lang ako ng simpleng damit at lumabas na. Pagkalabas ko ay pumasok na kami sa loob ng kotse. Nakasuot lang ako ngayon ng navy blue knitted pants at oversized plain white T-shirt na tinernuhan ko ng white rubber shoes. Tahimik lang kami sa buong biyahe. Dumungaw na lamang ako sa bintana at pinagmamasdan na lang ang mga tanawin na nadaraanan namin. Ilang saglit lang ay nakita ko ang sarili ko na namamangha sa paligid ko. Nasa Amusement Park kami ngayon. Sabi na nga ba at dadalhin niya na naman ako sa kamangha manghang lugar. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin. "Nagbibiro ka ba? Sobrang ganda kaya dito," pag-amin ko sa kaniya. "Hahahah so let's go? Let's enjoy and try all the rides. Don't worry libre ko," masaya niyang sambit. "Yun naman pala eh ano pang hinihintay mo? Tara na bili na tayo ng tickets," excited kong aya sa kaniya. Pumila na siya sa bilihan ng mga tickets. Humiwalay ako sa kanya at naglibot libot. Hanggang sa may mabangga akong bata. "Ay naku! Sorry, sorry iha. Hindi kita nakita," sambit ko sa batang palaboy na nakabangga ko. Tinulungan ko siyang tumayo at pinagpagan ko ang dumi sa kanya. Tumakbo agad siya ng mabilis ng matapos ko siyang pagpagan. Nagkibit balikat na lang ako. Siguro ay may importante yung pupuntahan. Bumili na lamang ako ng cotton candy malapit sa kinaroroonan ko. Nagugutom na kasi ako at hanggang ngayon ay wala pa rin si Yabang. Nang makabili na ako ay naghagilap ako ng bakanteng bench na puwede kong upuan. Nakakita ako ng bakante malapit sa carousel. Nagtungo na ako roon at umupo. "Nasaan na kaya si Yabang? Ang tagal naman niyang bumili ng tickets. Mauubos ko na itong kinakain ko wala pa rin siya," tanong ko sa aking sarili habang kumakain ng cotton candy. "Hmmm sarap!" Bigla namang may palad na nagtakip sa mga mata ko mula sa likuran. Panigurado akong si Yabang na ito. Wala naman mangangahas na hawakan ako eh. "Ano ba yabang tanggalin mo nga 'yang mga kamay mo," utos ko sa.kaniya. "Ikaw naman kumain ka na agad hmp. Hindi mo man lang ako hinintay," malungkot niyang sabi. "Haler ang tagal tagal mo kaya saka gutom na ako. Hindi na kita naantay. Alangan naman hayaan kong magutom ang sarili ko. Duh!" pang iinis ko sa kaniya. Binelatan ko siya para lalo siyang mainis. "Pft." Pagpipigil niya ng tawa. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko? Baliw na ata 'tong isang 'to. "Gusto mo?" alok ko sa kanya sa natitirang cotton candy ko. "Ayoko niyan may germs," pagtanggi niya sa alok ko. Nakuha pa niya akong irapan bago nag-iwas ng tingin. Attitude ka siz? Konti na lang talaga maniniwala na akong totoo ang paratang ko sa kanya na bakla siya. Natawa naman ako sa itsura niya. "Arte mo. Daig mo pa babae." " Ubusin mo na yan para makapag rides na tayo. Tss. Kupad kupad," sambit niya. Nang sinabi niya 'yon ay binilisan ko na ang aking pagkain. Kanina pa kaya ako excited. Gusto ko masubukan lahat ng rides dito. Susulitin ko na, libre naman eh. "Tara na! Sinong makupad ang sinasabi mo?" Kita ko ang kanyang gulat nang makita niya na nasa harapan na niya ako. Hinila ko na siya dahil wala pa ata siyang balak na tumayo. All I have to do now is enjoy this moment and have fun together with this guy. Inuna namin sakyan ang space shuttle. Yung iba nga eh masyadong over kung maka react, hindi pa umaandar eh sobra na kung makatili. Tinignan ko naman ang katabi ko ngayon na parang tuod na dahil hindi man lang siya kumikilos. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa gilid ng upuan. Pft. Natatakot pa ata ang loko. "Ayos ka lang ba Yabang?" Tanong ko sa kaniya. Hinimas ko ang likod niya para umayos ang kalagayan niya mukha kasi siyang nalulula. Tumango naman siya sa akin bilang sagot. "Actually, I have a fear of heights. Pero ayos lang naman ako. Kakayanin ko," mahinang sambit niya. Kahit na sinabi niyang ayos lang siya ay halata parin ang takot sa mukha niya. Napailang lunok pa siya at namumutla na. "Gusto mo bumaba na lang tayo? Sa ibang rides na lang tayo sumakay," aya ko sa kaniya pero pinigilan niya ako tumayo. "Huwag na dito ka lang. Aandar na to. Sabi ko naman sa 'yo kaya ko," turan niya. Maya maya lang ay umandar na ito. Ang iba ay tumili na ng tumili. Hinanap ko ang isang kamay ni Christian at hinawakan ko ito. "Hayaan mong hawakan ko ang kamay mo! Huwag kang matakot! Shout!" Sigaw kong sabi sa kanya para marinig niya ako. He mouthed thank you before shouting to let out his fears. "WAAAAAHHHHH!!! MAMATAY NA AKOOOO!!" Rinig kong sigaw niya. Bakla talaga tong isang ito. "WHOOOOOOO!! I BELIEVE I CAN FLYYYYY!!WAAAAHHHHH ANG SAYAAAAA SAYAAAA!!" sigaw ko. "TAEEEE MASUSUKA NA AKOOOO!!" Nang makababa kami ay nagpaalam siya na pupunta muna siya ng banyo dahil masama ang pakiramdam niya. Nang makabalik siya ay okay na raw siya at ready na ulit sumakay sa ibang rides. Iba't ibang rides pa ang sinakyan namin gaya ng roller coaster, flying fiesta, anchors away, drop tower at marami pang iba. Sinusulit ko ang bawat pagkakataon. Suka naman ng suka si Yabang kapag nakababa na kami. Siya pa ang ganang magyaya dito eh mahina naman pala sikmura ng isang ito. Bumili na lang ako ng tubig para sa kaniya para naman mahimasmasan siya kahit papaano. Inabot ko sa kaniya ang inuming binili ko. "Salamat. Saan mo next gusto sumakay?" Seryoso ba siya. Tibay din ng isang ito. Sinasabayan ako sa lahat ng trip ko. "Gusto ko sana sumakay sa ferris wheel para makita sana kabuuan nitong lugar. Kaya mo pa ba? Pagkatapos noon umuwi na tayo," sabi ko sa kanya. "Sure. Kaya ko pa naman. Don't worry." Ngumiti siya sa akin. Nang makasakay na kami sa ferris wheel ay kitang kita ang mga rides na nasakyan namin kanina. Para namang bituin ang mga ilaw ng mga naglalakihang building sa malayo. s**t. Pagabi na pala. Sana naman ay wala pa si Dad sa bahay kapag umuwi na ako. Inilibot kong muli ang aking paningin sa kabuuan ng amusement park. At kita ko ang ganda nito. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko na muna siguro iisipin si Dad. Mag-eenjoy na muna ako. "Salamat Yabang ahh. Tignan mo oh ang ganda ganda ng view," sambit ko sa kaniya sabay turo sa mga tanawing ang sarap sa mata. "Ang ganda nga," sabi niya habang titig na titig sa akin. Isang malakas na hangin ang umihip kaya naman napayakap ako sa aking sarili. Ako ba ang sinabihan niya ng maganda? Pinitik ko ang noo niya para makuha ang atensyon niya dahil kanina pa ito nakatitig sa akin. "Aray! para saan iyon?" Tanong niya. "Alam ko namang maganda ko. Pero baka naman matunaw ako sa mga tingin mo," pagbibiro ko sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng tingin at parang nahihiya. Nahiya pa talaga ang loko. Ilang minuto din kaming nagtagal sa taas at nakita ang kamangha manghang kagandahan ng lugar. Ilang saglit lang ay nakababa na kaming dalawa. Huminto siya saglit. Parang huminto ang lahat ng tao ng magtama ang aming mga tingin. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Oh gosh please. Feeling ko ay namumula na ang aking mga pisngi. s**t this is wrong. Unti-unti niyang nilapit ang kanyang mukha sa akin. Lalo namang bumilis ang t***k ng puso ko. Aatakihin na ata ako sa kaba. Pinikit ko ang mga mata ko at hinihintay ang mga susunod na mangyayari. Pero ilang minuto na ang nakakalipas ay wala namang nangyayari. "Pft" dinig kong pigil niya sa kaniyang tawa. Pinitik niya ako sa noo kaya naman napadilat ako. "Bakit ka pumipikit d'yan? Siguro akala mo hahalikan kita noh. Ayieeeeeee ikaw ahh may pagnanasa ka sa akin HAHAHAHAHA," natatawa niyang wika. Arrrrrggggghhh buwisit na lalaking ito. Nakakahiya baka akalain niya na easy to get ako. Napatakip na lang ako ng aking mukha ng dahil sa kahihiyan. Akmang tatalikod na sana ako at iiwanan ko na siya ng bigla niyang hapitin ang aking bewang at nilapit na naman niya ang kanyang mukha sa akin. Itinulak ko siya pero bigla niya akong hinalikan. Sa pagkakataong ito ay natagpuan ko ang sarili kong magkalapat ang aming mga labi. Love doesn't make the world go round, it is what makes the ride worthwhile. We just kissed and the ferris wheel witness my first kiss. My first kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD