Nakalapat ngayon ang mga labi naming dalawa at masasabi kong napakalambot nito. Ginalaw niya ang kaniyang labi na sinabayan naman ng sa akin.
Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko pero sinabayan ko na lang siya. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap ng mga halik niya.
Nakaramdam ako ng kakaibang ningas sa aking puso.
I encircled my hands around his neck to deepen our kiss. Napangisi naman siya sa aking ginawa. I can taste his sweet saliva mixing with mine. His tounge is twitching inside.
Tumingin siya sa akin at ngumiti at hinalikan niya akong muli. Sa pagkakataong ito ay nageespadahan na ang aming mga dila. Palalim ng palalim ang aming halikan.
"Christian," ungol ko sa pangalan niya.
Alam kong mali itong ginagawa namin at madami ang nakakakita sa amin ngunit nagugustuhan ito ng aking katawan. Tila may namumuong init sa aking katawan.
Nang mapagtanto ko ang ginagawa namin ay itinulak ko si Christian ng malakas upang kumalas ako sa pagkakahalik ko sa kaniya.
Oh my goodness he stole my first kiss! At ako naman si gaga, hinayaan siya. Hindi ko inexpect na tumugon ako sa halik niya at magagawa namin ang mga bagay na iyon.
Sabi ko pa naman sa sarili ko, sa taong papakasalan ko lang ibibigay ang aking unang halik. Napaiyak na lang ako ng mahina. Hindi na virgin ang lips ko.
Nagkatinginan kaming dalawa pero hindi ko natagalan at umiwas agad ako ng tingin dahil sa sobrang hiya.
Lupa lamunin mo na ako please.
Tila umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Nakakahiya!
"HAHAHAH. Ang tamis ng mga labi mo," he said with a husky tone. Nang-aakit pa ata ang isang 'to.
"H-hindi mo ba alam kung anong ginawa mo? Potek ka first kiss ko iyon tapos sayo lang napunta," I said while pinching the bridge of my nose, trying to calm myself. Ayaw kong makasakit ngayon at parang nanghihina ako dahil sa nangyari. Buwisit na lalaking ito.
"Tumugon ka naman sa halik ko eh. Wag mong sabihing hindi mo nagustuhan?" Nakakaloko niyang sambit.
"At iyon ang pagkakamali ko. Nagpadala ako sa nararamdaman ko at inabuso mo naman!" Singhal ko sa kaniya at mahina ko siyang itinulak.
"I'm sorry nadala lang din naman ako sa nararamdaman ko. Bakit ba ang importante sa inyo ng first kiss? Pero infairness ang galing mong humalik," he said and leaned closer to me na lalo nagpapula sa aking pisgi.
"Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya at lalo niyang inilapit sa akin ang kaniyang mukha. I cover my mouth bago pa maulit ang nangyari.
"p*****t. Gago ka kapag ako nabuntis humanda ka sa akin." Mangiyak ngiyak kong sabi. Syempre acting lang yun hindi naman ako tanga, kiss lang buntis agad.
"Pft. Tara na nga hatid na kita sa inyo." Hinila na niya ako papasok ng kaniyang sasakyan.
Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Walang nagsimula o nagbukas ng topic na mapag-uusapan.
I tried to sleep by leaning against the windscreen, but every time I closed my eyes, I recalled what had happened to the Ferris wheel earlier.
Oh my gosh! What the f*ck! Forget about that Heiley, don't mind him. I take out my phone and insert my earphones. And I pretended to sleep so he wouldn't be able to speak to me.
After a few minutes I felt that the car has stop. But I make every effort to remain stationary and avoid making any moves.
"Wake up Jane, I know you're just pretending, open your eyes baby or else... I will kiss you again," he whispered in my ear, and I felt his warm breath on my neck, which made me feel uneasy.
I open my eyes immediately at nagulat ako pagharap ko sa kanya na isang dangkal lang ang lapit ng mukha niya sa akin. OMG. This guy! Kailan niya ba ako titigilan? Hindi niya ba alam na aatakihin na ako sa puso dahil sa mga pinag-gagagawa niya.
Naka isa na siya sa akin kanina gusto pa atang humirit ng isa. Nasayang lang ang first kiss ko sa kaniya.
I grab the door handle at lalabas na sana ako when he said something that I can't clearly heard. I just waved my hand para magpaalam sa kaniya. Nakita ko naman siyang lumabas at kumaway din.
"Goodnight liit. I enjoyed this day. See you on Monday," turan niya.
Hindi na ako sumagot sa kaniya at tinalikuran ko na siya. Naglakad na ako papasok ng aming bahay.
I saw my Mom hiding behind the door. I guess she saw him because there's a smirk on her face. Here we go again. I am sure she will bug me until I am completely pissed off.
"Sino yun anak? Anong pangalan?" Pang-iintriga niya sa akin.
Hindi ko pinansin ang tanong ni Mom at nilagpasan ko lamang siya. Gulo pa ang isip ko dahil sa mga nangyari kanina.
Nagtungo ako sa sofa at naupo. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na sumunod siya sa akin.
"Classmate ko mom. Christian Zerrudo name," maikling sagot ko.
"Ooohh sige sige ilan taon? Pupuntahan ko bukas yung kumare kong manghuhula. Papahulaan ko kayong dalawa na para sa isa't-isa. Malay mo kayo na pala talagang dalawa ang nakatadhana," she said. She looks excited, I took a deep breath because of her thoughts.
"Mom! Tumigil na po kayo please," mahinahon kong pakiusap. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil ramdam ko pa rin ang bilis ng t***k ng aking puso.
"Sige na naman anak. Secret lang natin ito. Malay mo siya na ang forever mo," mahinang bulong niya sa akin. I glared at her.
"Mom can you please stop this non sense conversation. Leave me for a while. I need to be alone," I said calmly.
"Are you sure? Ayaw mong malaman na—" I cut her words
"Mom!" Pinandilatan ko siya. Tumayo na siya at umalis. Mabuti naman.
Pumikit ako at hinawakan ko ulit ang dibdib ko. Bakit ngayon ay ang bilis padin ng t***k ng puso ko? Napahawak ako sa labi ko. Naalala ko na naman ang malalambot niyang labi na nakadampi sa akin.
"Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin? Bakit ang bilis-bilis pa rin ng t***k ng puso ko?" Tanong ko sa aking sarili.
"Mabilis ang t***k ng puso mo?" I nod.
"Opo." Napadilat ako bigla at nakita ko si Mom na tumatawa.
"Mom naman eh!" Bulyaw ko sa kaniya.
Kinuha ko ang mga unan sa sofa at pinaghahampas ito. Para na akong baliw sa mga ginagawa ko. Arrrggghhh.
"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" He raised his eyebrows while walking towards us.
Si Dad ang nagsalita, nandito na pala siya. Nakita niya kaya si Yabang na hinatid ako kanina? Hindi naman sana.
Napahinto naman kami ni Mom sa aming ginagawa. Sinalubong ko si Dad at kinuha ang kamay niya para mag mano.
"I said what's happening here?" he ask again.
Nilapitan ni Mom si Dad at hinila na paakyat sa kanilang kuwarto. Bago iyon ay kinindatan muna ako ni Mom.
I massage the back of my neck and smiled at her. Sa kanilang dalawa ni Dad, ang pinakaclose ko ay si Mom. Nasasabayan niya kasi lahat ng gusto ko at higit sa lahat siya ang nagtatanggol sa akin kapag pinapagalitan ako ni Dad. Napangiti na lang ako ng mapait.
~One year ago~
"Heiley anak dali magtago ka sa likod ko," umiiyak na sabi ni Mom.
"Heidi! Umalis ka riyan, ibigay mo sa akin si Heiley. Huwag mong kinukunsinti iyang katigasan ng ulo ng anak mo! Palibhasa kasi nagmana sa iyo!" He said angrily.
He suddenly grabbed my hand at pilit na pinapaharap sa kaniya. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya pero patuloy pa rin siya at wala siyang pake kung nasasaktan man ako. Patuloy na umaagos ang aking mga luha dahil sa dinaranas ko ngayon.
"Dad, I'm sorry." I begged
Isang napakalakas na sapak ang sumalubong sa aking mukha.
Napatumba na lang ako at napa-upo sa sahig dahil sa sobrang sakit nito. Napahawak ako sa aking pisngi nang maramdaman ko na humapdi ito.
Bakit Dad? Bakit mo ito ginagawa sa akin? Ramdam na ramdam ko ang paghapdi ng aking pisngi . Alam kong namumula na ito dahil sa malaking palad na dumapo dito kanina.
"Albert! Tumigil ka na! Wala kang karapatan na saktan si Heiley. Nakikiusap ako sa iyo tumigil ka na!" Pagpipigil ni mom kay dad at niyakap ito mula sa likuran.
Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano itinulak ng malakas ni Dad si Mom na siyang pagkasalampak niya. Dumating ang ilang kasambahay namin at tinulungan si Mom na makatayo.
"MOM!" Hinila muli ako ng aking ama bago ako makalapit kay mom.
"Bitawan mo na ako Dad! Please!" Pakiusap ko sa kaniya.
Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak sa akin ni Dad para sana puntahan si Mom pero lalo lang naman niya itong hinihigpitan. Wala na akong lakas para makalaban. Ramdam ko na ang kaniyang mga kuko na bumabaon sa aking balat.
"D--ad." nanghihina kong wika. Hindi na ako makahinga dahil sa aking pag-iyak.
"Albert... Please... Hayaan mo na muna si Heiley. Kausapin mo siya kapag hindi na mainit ang ulo mo. Nasasaktan mo na ang anak natin!" Pakiusap ng aking ina pero hindi siya pinakinggan ni Dad.
"Hindi kitang pinalaking malandi Heiley Jane. Pinag-aaral ka namin ng mommy mo. Tapos malalaman ko na may boyfriend ka! Ang landi-landi mong bata ka. Napaka walang kuwenta mo. Manang-mana ka sa ina mo!" Nanggagaliiting sabi niya sa akin.
Sinampal niya ulit ako at sa pagkakataong ito ay hindi ko na talaga maramdaman ang sakit sa aking pisngi. Tila namanhid na ito. Naramdaman ko rin na may dugo na ang aking mga labi dahil nalalasahan ko na may kalawang.
Mas nasasaktan ako sa mga sinabi sa akin ni dad. Ganoon ba akong kasamang anak at ganito na lang ang p*******t niya sa akin. I'd rather be physically hurt than emotionally because I can put a bandage on my wounds, but I can't put one on my heart.
"Please Dad... I'm very sorry," humahagulgol kong sambit.
"From now on hindi ka na puwedeng makipag kaibigan sa mga lalaki. Tandaan mo iyan!"
That was the last thing I heard before everything around me went dark.
I lost my consciousness.
~End of Flashback~
I wiped away the tears that starting to fall in my eyes. I smiled weakly. Kapag naaalala ko ang pangyayaring iyon ay nararamdam kong paulit-ulit akong sinasaksak sa aking puso hanggang sa mawalan ng hininga.
Sariwa pa rin ang sakit na dulot ng aking ama. He was my first heart break. Simula noon ay kinamuhian ko na siya. Lumayo na ang loob ko sa kaniya.
"Oh hija anong ginagawa mo dito sa kusina?" Nanay Emelita ask while drinking water.
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa kusina. Masyado akong nadala sa mga naaalala ko kaya hindi ko na namamalayan ang nangyayari sa akin.
May mga bagay talaga na pilit man nating kalimutan ay babalikan parin tayo ng multo ng nakaraan para paulit-ulit tayo na saktan.
"Ah wala po nanay. Napadaan lang po," I said while fixing myself.
"Kumain ka na ba hija? Halika at ipaghahanda kita ng hapunan." Pagkasabi noon ni Manang ay siya namang pagkulo ng aking tiyan. Napatawa na lang kaming dalawa.
Hindi pa pala ako naghahapunan. Nakalimutan ko na dahil sa dami ng sumasagi sa isipan ko. Naupo na ako at hinintay ang pagkain na niluluto ni Manang.
"Hmmm sarap naman niyan Manang. Puwede ba akong humingi?" Sambit ni kuya David.
Si Kuya David talaga kapag nakaka amoy ng pagkain bigla-biglang sumusulpot. Para siyang kabute. Napatingin sa akin si nanay at nagtatanong kung maaaring sumabay sa akin si kuya. Tumango na lamang ako. Kailangan ko din ng makakasama ngayon.
"Yown! Salamat ma'am Jane. The best ka talaga." Huminto siya saglit at umupo sa tabi ko. "Ma'am ayos ka lang ba? Bakit parang umiyak ka?"
"Ano ka ba manong David. Syempre ayos lang ako." Tumawa ako ng pilit para hindi na siya magtanong pa. He just shrugged his shoulders and go back to his seat.
Sometimes we have to pretend like nothing is happening. Pretend that in front of them, you're perfect. But if you're alone, there's nothing wrong with letting go of your worries, your rage, your pain, letting the world know that you are in deep pain.