Hindi ko sukat akalain na makakapunta ako ngayon ng Maynila. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagbago ang isip ni Chadler, pero natutuwa ako sa nangyayari. "Girl, totoo na ba ito? Luluwas na tayo ng Maynila?" Hindi makapaniwalang saad ni Hazel habang nakasilip sa bintana ng bus. Katabi ko siya ngayon sa bus habang si Chadler ay nasa likuran ng aming upuan. "Oo, totoo na ito Hazel. Hindi ito isang panaginip lang," nakangiti kong sabi at sinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. "I'm happy for you Jenny," she whispered. Sinilip ko si Chadler sa may likuran at nakita ko siyang nakatulala sa may bintana. Ngayon ko lang siya nakita na ganun. Tila wala siya sa kaniyang sarili. "May naikuwento ba sa iyo si Chadler kanina?" Bulong na tanong ko kay Hazel. Umiling naman siya. "Bakit?

