Christian's (Chadler) POV. "Anak! Buti naman at umuwi ka na. Saan ka ba galing?" Umiiyak na salubong sa akin ng aking ina. I'm sorry mommy kung kailangan ko kayong iwan. Ngayon na nandito na ako ay hindi na ako aalis. "Si d-daddy po?" Tanong ko. "W-wala na siya anak. Hindi mo na siya naabutan pa," humihikbi niyang saad. Napalingon ako sa puting ataul na na nakalagay sa aming sala. Tila nanlata ang aking mga tuhod. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng aking ama. Inalalayan ako ni mama sa aking likuran dahil baka matumba ako. "Ma? Akala ko po ba nasa hospital lang siya?" Naiiyak kong tanong. "Oo anak, natakbo pa namin siya sa hospital nung nangyari ang salpukan ng mga kotse. Kaso, ilang minuto lang ang tinagal niya at binawian na siya ng buhay." Napatingin ako sa ak

