Heiley's POV. "No!" Nagulat ang lahat sa naging sagot ni ate Elise. Ako man ay natuod sa aking kinatatayuan. "No! Hindi ako papayag na iba ang makasama mo sa pagtanda. I want to grow old with you. It's a yes!!!!" Kinikilg na sagot ni ate Elise. "Aaaaacccckkkk!!!!! Ang sweet!!!" Tili ko. Hindi ko na kasi mapigilan ang kilig ko. Inakbayan naman ako bigla ni Adrian na nasa aking tabi. "Daig mo pa yung pakakasalan ng kuya mo," bulong niya sa akin. "Pake mo ba? Kinikilig ako eh!" Mataray kong sambit sa kaniya. "Hindi naman masamang kiligin. Pero kasi, sa akin ka lang dapat kikiligin," malambing niyang bulong sa akin. " Seloso! Pati ba naman si kuya pinagseselosan mo," nakanguso kong sambit. "Gawin mo pa ulit iyan, baka hindi ko na mapigilan ang aking sarili na halikan ka," banta niya

