Nathalie's POV. Ako na ata ang pinagpalang babae sa lahat! Sa wakas ay wala ng sagabal sa pagmamahalan naming dalawa ni Adrian. Sa akin na siya ng buong-buo. Excited na ako para sa kasal naming dalawa. Kailangan kong magcelebrate ngayon. "Hello Carla? Tapos ka na ba sa work mo?" Tanong ko kay Carla sa kabilang linya. ["Wala naman na akong gagawin. Bakit?"] "Aayain kitang pumunta sa bar! Let's celebrate!" Masigla kong saad sa kaniya. ["Bakit? Pumayag na ba si Adrian na ikasal sa iyo?"] Tanong niya sa akin. "Hindi lang iyon Carla, wala ng sagabal pa sa kasal naming dalawa!" ["Paano ka nakakasiguro? Tandaan mo nasa paligid mo pa yung Heiley na iyon. Paano na lang kung biglang manumbalik lahat ng memorya niya? Lagot ka na Nathalie."] Pananakot niya sa akin. "Tinatakot mo ba ako Car

