"Kumain ka lang ng kumain anak. Babawi kami sa iyo ng daddy mo," masiglang sabi sa akin ni mommy habang nilalagyan ng pagkain ang aking plato. "Mom, baka naman po hindi ko maubos lahat ng iyan," sabi ko sa kaniya. "Kailangan mo itong ubusin, kung hindi magagalit ako. Kailangan mo magpagaling. Hindi pa okay ang mga sugat mo. Nasaan ba si Gabrielle? Gabrielle anak! Halika nga dito at gamutin mo ang sugat ng kapatid mo!?" Sigaw ni mommy. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas ay nakauwi na ako. Kasama ko na ulit ang pamilya ko. "Saglit lang po mom! Nagising po kasi si Eris!" Sigaw ni kuya. Hindi man lang ako nakadalo sa kasal nila ni ate Elise. At may anak na pala silang dalawa. Ang bilis naman ng panahon. "Ilang taon na po ang anak nila mom?" Tanong ko. "Mag-aapat na taon na. Kapag nakit

