Chapter 54 "Rose," wika ni Tooffer nang mapansin na nakatingin lahat sa gawi ng dalaga. "Glad you are here." Akma na itong lalapit sa kaniya nang biglang tumayo si Leester at ipinulupot ang kamay sa baywang ni Rose. Napangisi na lang ito sa ikinilos ni Leester. "Wala ka pa ring pinagbago," bulong nito. "Who are you?" tanong dito ni Leester na mahigpit na nakahawak sa baywang ni Rose. Natigilan si Tooffer, natampal nito ang noo dahil sa nakikitang reaksiyon sa mukha ng taong itinuring na ring kapatid. "Can someone tell me who he is?" muli nitong tanong nang walang marinig na sagot. Nakakuyom na ang kanang kamay nito at animo'y handa na para suntukin ang kaharap. "Babe, siya 'yong taong sinundo mo kanina sa airport?" "Leester hijo." Lumapit na si Charlotte at hinawakan ang braso ni Too

