Chapter 55 Alas diyes na ng gabi nang iwan niya sa kwarto ang wala pa ring malay na nobyo. Dumating kasi ang katulong at ayon dito ay gusto siyang makausap ng mag-asawang Monteero. Pababa na siya sa hagdan nang mapansin niyang abala ang mga tauhan sa paglilinis ng kalat na ginawa ni Leester. Parang dinaanan ng delubyo ang hitsura ng living room. Wala sa ayos ang mga mamahaling kagamitan. Wala na rin doon sina Aurora at Ron. Pinasadahan niya ang magulong buhok at pinunasan ang luha na patuloy pa rin sa pagbagsak saka pinihit ang seradura. Nagulat siya nang mapansing kompleto ang pamilya Monteero sa silid na iyon. Naroon din si Tooffer na nakakuyom ang mga kamao, samantalang si Kyle ay lumambot na ang ekspresiyon ng mukha. Wala naman siyang nababanaag na emosyon sa mukha ng matandang Mon

