Chapter 10

508 Words
“We both know na walang katotohanan ang sinasabi mo” Mga salitang nagpahinto sa kanya sa pagbukas ng pinto. Nilingon niya si Jason at naningkit ang mata niya ng makita niyang nakatingin ito sa kanya at nakangisi “Sino sa tingin mo ang paniniwalaan ng mga tao? Ni Ava? Ikaw o Ako?” Tanong niya dito Tumawa ito at naiiling “Desperada ka na talaga, Chloe.” At nagpatuloy ito sa pagtawa “F*ck you! Nanggagailiti na sabi niya dito “Sinubukan ko naman di ba?” Naaliw na sabi nito sa kanya “Pero we both know na we ended frustrated with each try. Dati nagtataka pa ko pero ngayon alam ko na kung bakit” nakangisi na sabi nito “Hindi ka kilala ng Junior ko, kahit kilala ka ng puso at isipan ko. Si Ava lang ang kilala niya kaya kahit anong pigil ko hindi ko maiwasan na pagnasahan siya but me being stupid and thinking na ikaw ang mahal ko, pilit kong kinalimutan iyon. If only I gave in earlier” naiiling na sabi nito “I could have spare everyone of the pain especially my Ava” “Pero walang maniniwala na walang nangyari sa atin” panunuya niyang sabi dito “We are together for 6 months and even announce our engagement.” Nakangisi na sabi niya pero tumawa lang ulit si Jason “Yeah, for sure na walang maniniwala once you spread the gossip na may nangyari sa atin and you can even claim na nabuntis kita.” Sumandal ito sa swivel chair at tamad na tumingin sa kanya “Pero alam mo na niloloko mo lang ang sarili mo at ang mga tao.” Anito na tinitigan siya “I’ll be willing to admit na hindi ko mafulfill and mga pangangailangan mo just because my buddy will not perform” tiim itong nakatitig s kanya “so if your thinking of hurting my wife by spreading such things I’m willing to submit my self to ridicule by saying na hindi ako nakakapagperform well sa kama habang kasama ka. Hindi mo pedeng saktan si Ava sa ganitong paraan dahil di bale ng ako ang masaktan at magmukhang katawa katawa sa harap ng mga tao pero hindi mo pede saktan ang asawa ko” may determinasyong sabi nito sa kanya “Kahit na anong sabihin mo, Jason. Sinaktan mo pa rin si Ava at hindi na mababago non na annuled na ang kasal ninyo” galit na sabi niya “Sa tingin mo kaya ka pa kaya niyang patawarin o kaya ay tanggapin ulit?” “Hindi man niya ko patawarin agad ay alam ko na darating ang araw na mapapatawad din niya ko” umayos ito ng upo at binaling ang tingin sa mga papel na asa lamesa nito “Ito na ang huling pagpunta mo dito. Makaalis ka na” Lumabas siya ng opisina at binalibag ang pinto pasara. Galit na galit siyang sumakay ng sasakyan at pinaharurut ito “Hindi kayo magiging masaya. Pare pareho tayong magdudusa”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD