Chapter 11

516 Words
“Lara, anung gagawin ko?” Nagaalala na tanong niya dito “Siguro, kailangan na naming umalis ni Xander at maghanap ng bagong malilipatan” “Ano ka ba? Hindi ninyo kailangang gawin yon?” “Pero si Jason” naiiling na sabi ko “Hindi niya ko titigilan. Kailangan naming lumayo” “Ava, alam ko na natatakot ka at malamang hindi mo pa napapatawad si Jason dahil alam ko namang nasaktan ka niya talaga” bumutong hininga ito “Pero kailangan din ni Xander ng ama. Alam mo iyan dahil lumaki kang ulila. Iba pa rin na may Naynay at Taytay siyang kalalakihan. Hindi ko sinasabi na makipagbalikan ka sa kanya o tanggapin mo siyang muli sa buhay mo. Pero huwag mong ipagkait kay Xander na lumaking may kinikilalang ama” Natahimik siya at hindi nakasagot sa sinabi ni Lara. Tama naman ito na dapat bigyan niya ng tsansa na magkakilala ang mag ama. Pero paano naman siya. Paano ang mga sakit na naramdaman niya, ang mga paghihirap niya. Ganon na lang ba iyon kailangan ba na iisang tabi na niya ang naramdamang sakit at hirap sa kadahilanang kailangan ni Xander ng ama. Naiiling siya, nagtatalo ang isip at puso niya. Aminin man niya o hindi pero alam niya sa sarili niya na mahal pa rin niya si Jason at masaya siya na naalala na siya nito pero hindi pa rin niya makalimutan ang sakit na naramdaman niya noong pinagtabuyan siya nito dahil hindi siya maalala at hindi ito naniniwala na magasawa sila “Who are you?” “I’m Ava your wife” “I don’t have a wife. I have a girlfriend and that is not you” “I love you, Chloe. Thanks for coming back” “ “I will never marry someone like you. Your so plain and simple. It’s the biggest mistake marrying you and not chasing after Chloe. So please do us all the favor. Just signed the annulment papers and dissapear. I will pay a big amount. Just get lost.” Naiyak siya ng maalala ang mga masakit na salitang iyon na narinig niya mula kay Jason. Naramdaman niya ulit ang pagkadurug at pagkawasak ng puso niya. Paano niya matatangap si Jason bilang ama ni Xander kung alam niyang sa sarili niya na hindi ito naging mabuting asawa sa kanya. Sapat na bang dahilan na magiging masaya at buo ang pagkatao ng anak niya dahil may kikilalanin itong ama? Tama ba na isakripisyo niya ang sariling nararamdaman para sa anak? Ang gusto niya lang ay maging masaya at mabuhay ng tahimik kasama ang kanyang anak pero mukhang hindi mangyayari iyon lalo na at alam na ni Jason kung nasaan silang magina. Ang naiisip niyang paraan ay ang pagtakas pero ang tanong saan siya pupunta? Saan sila magtatago na hindi sila masusundan ni Jason? Gulong gulo na ang isip niya. Ano nga ba ang dapat na unahin niya ang sarili niya o ang anak niya? Sapat na nga bang dahilan na kalimutan niya ang lahat ng sakit kung ang kapalit ay ang magiging kasiyahan ng anak niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD