Umakyat lahat ng dugo sa ulo niya ng makita niya ang umiyak na anak na kalong ni Chloe “Chloe! Ibigay mo sa akin ang anak ko” galit na sabi ni Jason “Anak?” Panguuyam na sabi nito “Paano ka nakakasiguro na anak mo to?” Galit na sabi nito “Malandi ang babae na yan” sabay duro sa kanya “Tigilan mo na to, Chloe” galit na galit na sabi ni Jason. “Wala kang karapatan bastusin ang asawa ko at ibigay mo sa akin ang anak ko” may diin na sabi nito at makikita mo na nagtitimpi talaga ng galit. “May mga proof ako na hindi mo anak ang batang eto” anito “Hindi na ako ulit magpapaloko sa iyo” humakbang ito palapit kay Chloe “Ibigay mo sa akin ang anak ko” “Hindi” sigaw ni Chloe pabalik “Kung hindi ka mapupunta sa akin. Pare pareho tayong mawawalan” baliw na sabi nito. Nakita niya may kinukuha

