Chapter 22

665 Words

Pagpasok ni Jason sa bahay ay rinig na rinig niya ang tawanan. Dumeretso siya sa sala at nakita niya ang Mommy niya na kalong si Xander. Andon din si Nay Esme at Lara. “Good Evening” bati niya sa mga ito at lumapit at humalik sa Mom niya. Nakita siya ni Xander ar nagabot nang kamay “Taytay” sabi nito. Kinuha niya ang bata at hinalikan “Asan si Naynay?” Tanong niya dito “Naynay” sagot nito “Asa kuwarto niyo si Ava, Iho” sagot ng Mom niya “Sinilip ko kanina. Hindi ko na ginising at tulog na tulog” “Sige po puntahan ko muna” ibinigay niya ulit si Xander sa Mom niya “Sige. Gisingin mo na rin at naghahain na sila” tumango siya at lumakad paakyat. Pagdating sa kuwarto ay nakita niya si Ava na natutulog. Lumapit siya at tinitigan ito. Nakanganga pa ng kaonti ito habang nahihimbing sa pagkakat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD