“I miss you, Babe. I’m so sorry”
Kahit na hindi niya lingunin ay alam na niya kung sino ang nakayakap sa kanya. “Patawarin mo sana ako at nasaktan kita ng sobra sobra.” Hinalikan siya nito sa may leeg at siniksik ang mukha niya duon “Alam ko na hindi madali ibigay ang kapatawarang hinihingi ko pero sana bigyan mo pa ko ng isang pagkakataon” naiiyak na sabi nito “Hindi ko maipapangako na magiging madali ang lahat pero gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para maiwasang masaktan ka ulit” umiyak na to ng tuluyan sa may leeg niya. Hindi din niya malaman ang gagawin at naiyak na din siya.
“Ja-Jason” humigpit ang yakap nito sa kanya. Napabuntunghiningasiya at hinawakan ang braso nito na nakayakap sa kanya “umupo ka na muna sa lamesa at maghain ako para makakain ka na” aniya na kinakalas ang pagkakayakap nito sa kanya.”Jason, sige na” pangungumbinsi niya dito “Upo ka na dun”
Bumitaw ito sa kanya at ninakawan siya nang halik sa labi at saka nagmadali na umupo sa may lamesa. Umiling na lang siya at nagsimula na maghain. “Namiss ko tong Menudo mo” sabi nito sa pagitan ng pagkain. Ngumiti lang siya at hindi din niya alam ang sasabihin niya. Nagtatalo pa rin ang isip at damdamin niya kung sasabihin ba niya ang totoo na anak nila si Xander. Nasasaktan pa rin siya pag naisip niya ang lahat ng ginawa nito sa kanya ng mawala ang memorya nito pero nangingibabaw ang pagiging ina niya na mabigyan ng kumpletong pamilya si Xander. Alam niya na mahal siya ni Jason lalo na at bumalik ang memorya nito. Pero sapat na kaya ang lahat ng iyon para patawarin ito. Naguguluhan talaga siya. Napabalik siya sa kasalukuyan nang hawakan ni Jason ang kama niya.
“Babe?” Napatingin siya dito “ok ka lang ba?” Nagaalangan na tanong nito
“Gusto mo pa ba? Etong pansit tikman mo si Nay Esme nagluto nito” nilagyan niya ang plato nito at iniwas ang tingin niya
Bumintunghininga ito at tumayo. Lumakad ito palapit sa kanya at lumuhod sa harapan niya. Nanlaki ang mata niya at pinilit itong tumayo “Jason, tumayo ka diyan” umiling ito at may nilabas sa bulsa “patawarin mo ako, Ava. Alam ko na nasaktan kita ng labis. Kasalanan ko at nakalimutan ka rin ng puso ko ng makalimutan ka ng isipan ko. Binalewala ko ang sinumpaan ko sa harap ng altar dahil lang sa hindi kita maaalala, kahit na lahat ng tao at mga bagay bagay ay nagsasabi na ikaw talaga ang asawa ko. Kasalanan ko na nagpabulag ako kay Chloe. Naniwala ako sa mga kasinungalingan niya. Pero sana mahanap mo sa puso mo na patawarin ako at bigyan pa ng isang pagkakataon” isinuot nito sa daliri niya ang engagement and wedding ring niya. “Mahal na mahal kita, Ava” hinalikan nito ang kamay niya “Isa pang pagkakataon, nakikiusap ako sayo”