“Ja-Jason??” hindi makapaniwala si Ava sa taong nasa harapan niya
“Ava” bigla siya nitong niyakap at hindi siya nakagalaw dahil sa pagkabigla “babe” tawag nito na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan
“A-anong ginagawa mo dito?” Tinulak niya ito para makawala sa yakap nito
“Im so sorry, Babe. Patawarin mo ako” naluluha na sabi nito
“Na-Naaalala mo na ko?” Hindi makapaniwala na sabi niya
“Oo, Babe. Naalala ko na lahat. Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko” humawak ito sa kamay niya
Naiiling siya at hindi malaman ang sasabihin. Nabigla talaga siya sa pagdating ni Jason
“Ava?” Lumingon siya at nakita na karga nito si Xander na humihikbi pa “Naiyak si Xander”
Hinila niya ang kamay niya at lumapit kay Lara “Baby” kinuha niya ito kay Lara at sinayaw sayaw “Tahan na, andito na si Naynay” pag alo niya dito
“Ava, sino yon?” Sabay turo kay Jason
“Ah, nagkamali lang. Pakisara na lang ang gate” aniya at pumasok na sa loob
“Ava, Ava!” Tawag ni Jason pero hindi na niya ito nilingon at magmamadali na pumasok sa loob. Nagtuloy siya sa kuwarto nilang magina at pinatulog ulit ito. Nagbalik na ang memorya ni Jason dapat ba siyang matuwa o hindi. Hindi niya alam kung anu ang dapat niyang maramdaman. Nabigla talaga siya at hindi alam kung paano magrereact. Maya maya ay tulog na si Xander at nilapag na niya sa kama. Nakaalis na kaya si Jason. Mukha kailangan na nilang lumipat mag-ina. Hindi niya alam kung paano siya natagpuan nito pero hindi na siya dapat pang guluhin nito lalo na at kasal na ito kay Chloe. Naiiyak siyang bumunton hininga at inayos ang sarili niya. Kailangan niyang makausap si Lara. Lumabas siya ng kuwarto at laking gulat niya ng makita niya si Jason sa may sala.
“Ava, pede ba tayo magusap?“ nagsusumamo na tanong nito
“Ja-Jason? Paano ka nakapasok?”
“Pinapasok ako ni Lara. Sinabi ko na ako ang asawa mo? Pede ba tayo magusap?” Nagaalangan na tanong nito
“Anung paguusapan natin?” Tanong pabalik niya dito
“Yu-yung baby? Anak ba natin siya?” Tinitigan niya ito at nakikita niya na umaasa ito sa magiging sagot niya
Bumuntunghininga siya at tinitigan ito. Pumayat ito at nanglalalim ang mata. Gulo gulo din ang buhok nito at damit.
“Kumain ka na ba?” Tanong niya dito. “May tira pang pagkain. Kung gusto mo kumain.”
“May menudo ba?”
Tumango siya at pumunta sa kusina para initin ang pagkain. Ano ba ang sasabihin niya kay Jason? Saka pwede pa ba niya sabihin na hindi nila anak si Xander? Naguguluhan talaga siya sa biglang pagsulpot nito at pagsasabi na nagbalik na ang memorya nito. Naiiling siya at wala naman siyang maisip na isasagot sa mga tanong niya. Nagulat siya ng may mga braso na yumakap sa bewang niya
“I miss you, Babe. I’m so sorry”