Chapter 6

514 Words
“Bro, nakita ko na siya” magandang balita na sabi ni Mark sa kanya sabay abot ng litrato. Pagkatapos ng halos Dalawang taon ay nagkaroon din ng magandang balita sa paghahanap kay Ava. “Si Ava nga ito, Bro. Asan siya?” Naluluhang sabi niya hindi niya mapigilan ang panginginig ng kamay habang hawak niya ang litrato. Si Ava ang nasa litrato. Hindi siya pwedeng magkamali, asa may counter ito at tila may binibili. “Aksidente lang ang pagkakakita ko sa kanya, Bro. Nagkataon na may sinusundan kaming tao na pumasok sa drug store na iyan at nahagip siya sa litrato.” Paliwanag nito “nung una hindi ako makapaniwala kaya binalikan ko ung CCTV at ayan nga nakita ko na siya talaga yong asa litrato” “Saang lugar to? Saan siya nakatira? May address ka na ba?” Sunud sunud na tanong niya “Magugulat ka, Bro.” Naiiling na sabi nito “Sa may Benguet yan. Sino ba magaakala na asa may Benguet lang pala siya? Halos suyurin na natin ang buong bansa iyon pala asa may karatig lugar lang din natin siya” “Gusto ko siya makita, Mark. May address ka na ba niya?” Umaasang tanong niya dito “Wala pa, Bro. Nilalakad pa ng mga tao ko ang detalye” sabi nito na nagpalungkot sa kanya “Pero confirmed na asa Benguet siya. Sabi nung napagtanungan namin na sales clerk dun, madalas na bumibili dun si Ava ng gamot at vitamins.” “Gamot? Gamot para saan? May sakit ba siya?” Nagaalalang sabi niya “Hindi, Bro. Gamot daw sa rayuma at vitamins para sa bata” Nakahinga siya ng maluwag at tumayo sa may glass window “Mga kailan kaya magkakaruon ng address, Bro? Gusto ko na talaga makita ang asawa ko” napapikit siya at bumuntong hininga “Magdalawang taon na siyang napalayo sa akin. Sabik na sabik na kong makita siya” “Bro, pede na tayong bumiyahe papunta Benguet.” Tumayo ito sa tabi niya “Sinisiguro ko sa iyo na pagdating natin dun may address na tayong hawak” “Sige, Bro. Tawagan ko lang si Mom at magbilin lang sa sekretarya ko” “Intayin kita sa baba” at lumabas na ito ng opisina niya. Tinawag ang sekretarya at nagbilin. Pagkatapos ay niligpit ang lamesa niya at tumawag sa Mommy niya. Sinabi niya na may out of town meeting siyang pupuntahan. Pagkatapos ay bumiyahe na sila ni Mark pa Benguet. Hindi niya alam kung ano ang una niya gagawin at sasabihin pag nagkita sila. Nagdadasal siya na sana ay maging maayos ang lahat at mapatawad siya ni Ava. Hindi nga nagsinungaling si Mark ng sabihin nito na pagdating nilang Benguet ay may address na silang hawak. Nakatayo siya ngayon sa harap ng apartment na may dalawang palapag. Hindi siya nagaksaya ng oras at dali daling naglakad papunta sa may gate at kumatok. Hindi nagtagal ay may lumabas sa may pinto at naglakad papunta sa gate. Halos himatayin siya ng si Ava ang nagbukas ng gate. “Ja-Jason”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD