"HEY." Napaigtad ako sa pagsulpot ni Sir Nicolai sa likod ko. Ilang linggo na rin itong nangungulit sa akin. Noong una ay tumabi pa siya sa akin at pinanood akong magtrabaho. Ewan ko ba dito kay Sir Nicolai pero pagkatapos kasi niyang sabihin na "You got me hooked baby." Ay naging clingy na ito. Feeling close!
Hindi ko ito pinansin at pinapatuloy ang pagta-type. Presensiya niya pa lang nagwawala na ang boung sistema ko. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Daig ko pa ang kabayong tumakbo ng isang daan kilometro.
"Let's date."
"Sige—ha?"
Marahas akong napalingon sa kaniya at napindot ang backspace kaya nabura lahat ng ni-type ko. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang mga katrabaho kong nanlalaki ang mga mata at napanganga. Ganda ko talaga! Shingina!
"Pakiulit po?"
"I said. Let's have our first date as my girl."
PUTANESS! Date nga ang sinabi niya. Akala ko malaki na tutuli ko kaya nabingi ako. Rinig ko ang pagsinghap at bulong-bulungan ng mga katrabaho kong walang magawa sa buhay. Wala ni isang naglakas loob na magsalita. Nilingon ko si Eunice na laglag panga sa nasaksihan. Para namang hindi niya alam na kinukulit ako nito ni Sir. Sabi ng iba kong katrabaho ay 'flavor of the month' daw ako ni Sir. Nasaktan ako at hindi ko alam kung bakit.
"Sir, nagtatrabaho po ako," matapang na sagot ko sa kaniya. Nakatitig lang ito sa akin at nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay. Kalmado itong nakatayo na akala mo ay isa siyang hari na naghihintay ng magandang balita galing sa mga kawal.
"And so? I own this company," taas kilay na sagot niya at unti-unting umangat ang sulok ng labi. Ke gwapong nilalang naman ng lalaking ito! Jusko! Sasabog na ata ovaries ko!
"P-pero—"
"Let's go." Agad nitong hinablot ang kamay ko at halos kaladkarin palabas ng department.
"K-kidnapping 'to Sir!"
Lahat ng madadaanan namin ay napapatingin at napapanganga. Sino ba namang hindi? Kinakaladkad lang naman ako ng may ari ng kompanya at niyayang makipagdate?! Ho davah! Gandara mga teh!
Nakarating kami ng parking lot at pinasakay niya ako sa mamahaling kotse. Teka? Alam ko ito ah! Ito iyong sasakyan na humarurot at tinalsikan ako. Aba'y! Nakakagago nga naman oh.
Bumaba kami ng sasakyan nang marating namin ang isang mamahaling kainan. Medyo naiilang pa ako dahil hindi tugma ang sout ko sa lugar. Sumiksik ako sa likod niya at narinig ko namang tumawa ito.
"Don't hide yourself. You're gorgeous with your office attire." Hinawakan nito ang kamay ko at dinala sa isang table. Agad namang tumalima ang isang waiter at agad hiningi ang order namin.
Habang nag-hihintay ng pagkain ay nakatitig lang ito sa akin, partikular na sa mga mata ko. Bakit kaya? Gandang ganda ata sa akin ang hinayupak na poging 'to.
"Your eyes... It seems familiar. Have we met before?"
Napataas ang kilay ko. Base sa alaala ko nang nawalan ako ng trabaho ang una naming pagkikita. "Nang nawalan ako ng trabaho at nahimatay. Iyon ang una nating pagkikita."
Tumango naman ito at muli akong tinitigan. Yumuko ako dahil sobra sobra na ang kabang nararamdaman ko. Bwisit! Ang lakas ng kabog ng puso ko sa titig niya. Malulusaw na ako. Ayan na.. Malapit na.. Lusaw na.. Wala na.. De joke lang.
Habang kumakain kami ay may babaeng lumapit kay Sir Nicolai. Hindi niya ito nakikita dahil mula sa likod niya ang paglapit ng babae. Nakasout ito ng maiksing pulang dress na mababa ang neckline. Halos n*****s na lang ang tinatago at para ng puputok ang dibdib nito. Tusukin ko kaya ng aspili?
Biglang hinalikan ng babae si Sir Nicolai sa pisngi na dahilan ng pagkagulat nito. "Hi babe!"
Kumunot ang noo ni Sir Nicolai na parang pinipilit alalahanin ang babae. "I'm sorry? Do I know you?" sagot ng mokong.
Napaubo ako at pinipilit 'wag ngumiti. 'Burn b***h! Burn!'. Tumingin ako sa babae na masama ang tingin sa akin. Napansin niya ata ng pagpipigil ko ng ngiti. Naku ayoko mapa away!
"Whatever! And who's that b***h Nicolai? Newest target?" aniya na nakaturo sa akin.
Nag-igting ang panga ni Sir Nicolai at tumayo nang marahas. Napaatras naman ang malanding babae dahil sa takot. Kahit ako ay napatayo narin dahil sa kaba. Hinablot niya ang braso ng babae na agad na ikinaputla ng mukha nito.
"Watch your words Miss. Baka makalimutan kong babae ka. You just insulted my girl in front of me and I don't tolerate that kind of attitude." Madiin ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. Bakas ang galit sa mata nito. Namumula rin ang tenga niya at nakakuyom ang kamao.
Nagpumiglas ang babae na halata ang gulat at takot sa mukha. Binitawan siya ni Nicolai at malambing na hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry. Let's go." Hinalikan niya ang likod ng kamay ko at hinila ako palabas ng restaurant.
Mababaliw na ata ako sa lakas ng kabog ng puso ko. Kinikilig ako pero bakit? Gusto ko ba siya? Naku! Hindi pwede Aira Janine! Bawal 'to. Marami ka pang suliranin sa buhay.
Habang nasa loob ng sasakyan ay hindi niya binibitawan ang kamay ko at panaka-naka niya itong hinahalikan. Abusado! Halos sumabog na ako sa kilig na nararamdaman ko. Putanessca! Mapipigilan ko ba ito? Oh my gulay!
"You're blusing baby. Kinikilig ka ba?"
"H-hindi ah!"
Nanlaki ang mata ko at muling nag init ang pisngi. Kailangan pa bang sabihin niya iyon? Nakangisi lang ito habang nagmamaneho. Umiiling-iling din siya habang diretsong nakatingin sa daan. Napanguso ako dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta. Parang paikot-ikot lang kami. Kantahan ko kaya 'to ng ikot-ikot lang ni Sarah G.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit ako masaya? Bakit pamilyar ang pakiramdam ng hawak niya. Bakit kinikilig ako sa kaniya? Hindi lang naman siya ang nakilala kong lalaki. Madami akong manliligaw ng college dahil kahit mahirap ako ay bawing-bawi ako sa mukha. Ang ganda ko kaya nang bata pa ako.
"Ang bilis." Kusang lumabas iyon sa bibig ko. Nakita ko ang paglingon niya sa akin pero saglit lang 'yon. Totoo naman kasi diba? Ang bilis ng pangyayari? He saved me, he kissed me then he's my boss and now? I'm his girl daw?!
"Then we'll take it slow."
Napalingon ako sa kaniya na tahimik lang. Blanko rin ang ekspresyon ng mukha niya. "Bakit mo ba ginagawa ito Sir Nicolai?"
"Because I like you." Hininto niya ang sasakyan sa isang parke at muling nagsalita. "I don't know why? It's just that, I feel home every time you're with me."
Tinitigan ko siya. He looks sad and lost. Nakapikit ang mga mata nito at nakasandal sa upuan ng sasakyan. Kitang kita ko kung gaano siya kaswerte na biyayaan ng ganyang mukha. His Jawline seems so proud and strong. Parang pag sinuntok ko 'to ako pa ang masasaktan. His lips were tightly pursed. Napaiwas ako ng tingin nang iminulat nito ang kaniyang mga mata.
"Who are you Aira Janine?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya pero bago ko pa masagot siya ay bigla niya akong kinabig at mapusok na hinalikan. Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman ko sa paglapat ng labi niya sa akin. Eto ba ang sparks? Eto na ba 'yon? Pucha ng ten times! Eng sherep!
Dahan-dahan niya akong inilayo sa kaniya. Kitang kita ko ang ngiting niya na umabot sa mata. Totoong ngiti. Walang halong pagkukunwari. Napangiti narin ako dahil sa ginawa niya.
Umayos na siya ng upo at muling nagmaneho. Sinabi ko sa kaniya ang bahay namin at agad naman niya akong hinatid. Nasa harap na kami ng bahay kaya agad akong bumaba.
"You rest well okay?"
Tumango na ako at akmang lalabas ng sasakyan nang pigilin niya ang braso ko. Napalingon ako sa kaniya at naghihintay ng sasabihin.
"May sasabihin ka—"
Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap. I feel relieved and happy. Hinalikan muna niya ako sa noo at hinayaan lumabas ng sasakyan. Hindi ko na siya pinalabas ng kotse niya dahil ayokong matsismis.
Nang nasa loob na ako ng bahay namin saka ko lang narinig ang pag alis ng sasakyan nito. At agad ko ring narinig ang palahaw na iyak ng kapatid ko.
Lakad takbo akong pumunta sa kwarto ni Kenjo at agad na pinihit ang seradura. Pero nakalock ito. Kinulong na naman nila si Kenjo sa kwarto nito? Bakit na naman kaya?
Agad kong binuksan ito ng mahanap ko ang susi. "Kenjo?"
"Ate!" Nag-tantrums na naman siguro siya kaya sa kinulong. Paniguradong si kuya na naman ito. Kainis!
Nilapitan ko siya at agad na niyakap. Yumakap naman ito pabalik sa akin habang humihikbi. "Anong ginawa sa'yo ni kuya?" tanong ko.
"Away ako kuya! Sabi niya 'di ka na uwe dito! Sabi niya iwan mo si kenjo! Ate Ayang ayaw kenjo iyon! Takot kenjo ate Ayang.." Umiyak na naman ito nang malakas
Si kuya na naman may kagagawan. Lagi niyang pinapaiyak si Kenjo at kinukulong sa kwarto. Hindi ko nga alam bakit ganyan siya sa amin. Parang 'di niya kami kapatid.
"Shhh. Andito na si Ate. Hindi ka iiwan ni Ate. Tahan na. Kumaen ka na ba?"
Sunod-sunod ang iling nito na agad ikinainit ng ulo ko. Anong oras na?! Hindi pwedeng magutom si Kenjo dahil nagiging mainitin ang ulo nito. Bwisit! Lahat ng sweldo ko binibigay ko sa kanila pero simpleng pag alaga sa bunso namin hindi nila magawa?! Ayoko sanang mainis pero ilang beses na kasi itong nangyayari eh.
Hinila ko si Kenjo pababang kusina at pinakain ito. Magana itong kumain kahit puro kalat na sa mesa niya. Hindi naman siya mahirap alagaan eh. Mabait siya at sumusunod. Oo minsan nagwawala siya pero napapakalma ko naman agad.
"Ate.."
"Hmm?"
"Pag si kenjo nawala. Iiyak ba si Ate Ayang?"
Napaawang ang bibig ko sa tanong niya at agad na nag-init ang sulok ng aking mata. Iniisip ko pa lang parang mamatay na ako.
"Kenjo! Ano ba yang sinasabi mo?!" Tuluyan na akong naluha dahil sa sinabi niya.
"Kasi Ate hihirapan kenjo eh.." Lumapit siya sa akin at yumakap nang mahigpit.
"K-kenjo.. Wag ka mag alala.. Last na 'yong ginawa ni kuya. 'Di na ko papayag na maulit 'yon. Wag kana magsalita ng ganiyan ha."
"Hindi mawawala kenjo! Ayaw Super Kenjo na iiyak ate Ayang."
Tumango-tango lang ako sa nakangiting mukha ng kapatid ko. Niyakap ko siyang muli at hinaplos ang ulo niya.
"Po-protektahan ka ni Ate.."
"Po-protektahan ko si Ate.."